Mi Rae's PoV
"Bawat pagbilis ng pagtibok ng puso ko ikaw lang ang sinisigaw nyan Mir." hinalikan nya ako sa noo. "Aminado ako na iniwasan talaga kita two years ago, bawat araw na dumaraan sinisisi ko ang sarili ko at hindi man lang kita na protektahan kay SeoJin. Minabuti kong hindi ka pansinin para pagtakpan ang guilty feelings na nararamdaman ko. Pero alam mo Mir, hindi ko maiwasang tignan ka sa malayo. Iniwasan kita pero hindi tumigil ang puso ko na mahalin ka."
Naluha ako sa pagtatapat nya. Napuno ng galak ang puso ko. Ang makasama ang taong mahal ko at marinig ang pagtatapat nya ay sapat na para umikot muli ang mundo ko.
"Sorry sa mga masasakit na salitang nasabi ko, sorry kong nasasaktan kita sa pang iignore ko, sor----" iniharang ko ang hintuturo ko sa labi nya.
"Kalimutan na natin yon. Ang mahalaga mahal natin ang isat isa."
Mabilis nya akong hinalikan sa labi. "So tell me, kelan mo narealize na mahal mo ako?"
"Kanina lang."
Nakita ko ang pagsimangot nito. Kinurot ko ang ilong nya dahilan para mapa aray ito. "Kelan ko lang din inamin sa sarili ko. Sa totoo nyan, may crush na ako sayo two years ago." napasimangot ako. "Kaya nga sumama ang loob ko ng hindi mo na ako pinapansin, tapos ang sungit mo pa."
"Ganun talaga ang gwapo."
Birong tinampal ko sya sa balikat. "Saltik ka, pinahirapan mo lang ako."
Niyakap nya ako. "Sorry love, hindi na mauulit yon."
"Hmm.. alam ko. Sino ba naman kasi makakaresist jan sa charm mo. Kung alam ko lang na mahuhulog ako jan sa pagiging malandi mo di sana hindi nalang ako pumayag na hawakan mo ang kamay ko sa eroplano. Sa tingin ko dun talaga ako tinamaan eh."
Tumawa ito at kinagat kagat ang balikat ko. "Mabuti nalang magaling akong dumiskarte."
"Uo nga eh, pati ang magtago sa closet naisip mo."
"Napanuod ko yon sa movie. Effective naman diba? aminin kinilig ka."
"Walang originality."
Naramdaman ko ang pagkiliti nya sa tagiliran ko kaya naitulak ko sya at napatayo ako bigla. "Asus may kiliti ka pa din, hindi kana virgin a."
Binato ko sya ng throw pillow na sinalo naman nito. "Ang bastos mo talaga."
Umalingaw ngaw ang tawa nito sa buong apartment. "Hahaha.. your blushing Mir, Don't tell me nahihiya ka pang pag usapan ang mga ganung bagay."
Binato ko ulit sya ng nahagip kong throw pillow. Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko, his teasing.
"Mahiya ka nga jan sa mga pinagsasabi mo."
"Haha.. nakailang rounds na ta----"
"Byun Baekhyun manahimik ka nga!" singhal ko sa kanya.
"Pikon mo talaga love. Lika nga dito."
Humalukip ako sa harap nya. "Umalis ka na nga." kunwaring inis na sagot ko.
Naughty smile form on his lips. "Let me feel you first."
"Bastos!"
Tumawa na naman ito. "Pikon, come here."
Umatras ako ng tumayo ito papalapit sakin. "Wag kang lumapit." babala ko.
"At ano sisigaw ka ng rape?"
Sinimangutan ko sya. "Babasagin ko ang kinabukasan mo." sabay tingin ko sa baba nya.
Naglakad ito papalapit sakin kaya paatras ako ng paatras. "Hindi mo gagawin yan Mir kung ayaw mong mawala ang kaligayan mo."
"Bastos!"

BINABASA MO ANG
EXO: Loving Mr. Byun
RomantizmSPG EXO fanfic. Ako, nakatingin sa kanya sa pamamagitan ng lente ng Camera ko. I'm inches away from him but so far for me to reach him. Nasakin ang mga mata nya pero nasa iba ang atensyon nya, abot kamay ko sya pero parang anlayo nya. We are good fr...