Gypsy POV’
Ilang araw na din pala ang nakakaraan simula nang matulog ako sa bahay nina Shin, at ilang araw na rin ang nagdaan na parang wala sa sarili si Nathaniel. Hindi ko alam kung totoo ba yung nakikita ko na wala siya sa mood. Yes, pag gumagawa ako ng kalokohan sa kanya parang wala nalang sa kanya, tinitingnan niya lang ako pagkatapos aalis siya.
Alam na din ni Shin yung between sa pag-aaway namin ni Nathaniel, pero sabi ko sa kanya na wag nalang niya lalapitan si Nathaniel. Tapos ang sabi niya sa akin na iwasan ko nalang daw. Paano niya nalaman? Nahuli lang naman niya ako sa pangttrip kay Nathaniel, kaya wala akong choice kung hindi sabihin sa kanya.
Malungkot na tuloy ako—
“HOY! BABAE! AKINA SABI YAN EH!!” oopss ang ungas po iyan sino? Eh di si Nathaniel. Sa totoo lang, nag bibiro lang talaga ako kanina na tumigil na siya sa pang-aasar sa akin, hah! Puputi nalang siguro ang uwak hindi pa rin niya ako tatantanan! Sarap nga niya ihagis sa ilog pasig eh!
Pero totoong alam na ni Shin, pero hinayaan nalang niya kasi ayaw ko din naman siya madamay sa gulo, at saka hindi naman na brutal yung nagagawa niya, verbal nalang, psh pero minsa din pinagloloko niya ako, gaya nalang nung P.E namin may inutusan ba naman siya para sirain yung uniform ko?
Tapos nung nasa canteen ako, wala si shin nun kasi may inaasikaso, bigla ba naman ako tinaponan ng juice?! At nung isang araw, tinapon niya yung sapatos ko! Letse talaga siya kahit kailan! Aish.
“ASA KA BOY! WHOOO SA MGA FANSS PO NG UNGAS NA TOO TINGNAN NYO!!”
Sabay takbo ko palabas ng room namin, habang habol habol pa din niya ako, dala dala yung litrato niya na nakuha ko. Litrato niya nung bata pa sya at medyo chubby. Natatawa nga ako nang mapulot ko ‘to nang magkabanga kami at nahulog sa wallet niya, hindi ko akalain na magdadala sya ng ganun kaya kinuha ko agad iyon at saka tumakbo.
“HOY! TUMIGIL KA NA NGA, SHIT!”
“HAHAHA, SA FANS PO NI NATHANIEL! TINGNAN NYO ANG NAPULOT KO.!”
Takbo pa rin ako ng takbo, nasa may hallway na kaming dalawa, pero tumatakbo pa rin ako mahirap na mahuli niya ako noh!
“HUMANDA KA TALAGA SA AKIN PAG NAHULI KITA!” Sigaw niya habang hinahabol pa din ako.
“ASA! KUNG MAHUHULI MO NGA AKO! BLEEH” at saka tumakbo pa ako ng mabilis.
“TABII.. TABI…” Sabi ko sa mga nakaharang. Psh ayaw ko mahuli ng ungas nay un! Asa din siya na papahuli ako noh!
“WHOOO I LOVE YOU HARRYY..”
“AKIN KA NALANG STEEEFFAAAANNN!!”
“MAHAL KITA GEEELLOOOO”
“WHOOO ANG GGWAPO TALAGA NILA!!”
“SYETT AKO NALANG GAWIN MONG GIRLFRIENDDD HARRY!!”
“MAAXXXX ANG GWAPOOO MOOO!!!”
“PRINCEEE OF THE LIONNN WEEE LOVE YOU!!!”
“I LOVE YOUUU NATHANNNIEEELLL!!”
Letse naman! Paano ako napunta dito? Tsk, ang iingay ng mga babaeng to, kailangan ko makaalis dito bago ako makita ng ugok na yun at mahuli.
“Aray! Tabi nga..”
“Ano baa…”
Pshh. Kung hindi lang talaga sa lalaking yun pinagsasabunutan ko na tong mga babaeng to eh.
Sumiksik pa ako lalo sa kanila, natatamaan na din ako ng mga braso nila at natatapakan na yung paa ko. Pero nang makadating ako sa harapan.
“ARAY!” bigla akong tinulak ng mga babae, sa isang lalaki. Huh?
BINABASA MO ANG
Bitter Mo Teh! #Wattys2017
Fiksi RemajaShe's Bitter because of some reasons. She hate's her Sister because of what happened. And She hate the Word "LOVE" because for her, it never EXISTS and Will Never be. But what if her World will be going to turn upside down, is there any possibilitie...