Chapter 37

194 11 0
                                    

Gypsy’ POV.

Totoo nga talagang walang kasing saya ang nararamdaman mo pagkasama mo yung taong matagal mo nang inaasam na mahalin ka din tulad ng pagmamahal na pinaparamdam mo sa kanya.

At yun ang nararamdaman ko sa aming dalawa ngayon, masaya kaming dalawa habang magkahawak kamay na naglalakad dito sa Mall, hindi man derekta niyang sinabi na gusto niya akong ligawan o gusto niyang maging kami na, pero sinabi lang niyang hintayin ko daw siya.

“Badz, you want?” Offer niya sa akin ng ice cream, nasa may ice cream stand kasi kami ngayon.

“Libre mo?”

“Tsk, oo naman.” Sabi niya.

Haha. Sarap talaga niyang asarin, though kaya ko naman talaga bumili ng sarili kong pagkain kaso alam kong ayaw niyang ako ang nagbabayad kaya no choice ako. Hinayaan ko nalang siya at binilhan niya ako ng Strawberry Ice Cream favorite ko kasi habang sa kanya naman ay Chocolate Ice Cream.

“Ang hilig mo sa Strawberry badz noh.” Sabi niya sa akin habang kinakain nya yung ice cream nya.

Naka upo kaming dalawa ngayon sa isang bench dito sa mall habang kinakain namin yung binili niyang ice cream.

“Eh ikaw nga jan eh mahilig din sa chocolate,.” Nakangiti kong sabi sa kanya.

Pagkatapos kasi niya umamin sa akin ay inaya niya ako pumunta ng Mall kasi daw hindi siya nakuntento doon sa date namin dati, loka talaga, kaya pumayag nalang ako, saka ko nalang tnext si Steffan kasi alam kong nagtataka yun kung bakit bigla akong nawala sa Gym.

Saka alam ko namang mananalo sila eh, sa galing pa naman nila, for sure makakaabot sila sa Championship at nangako nalang ako sa kanya na during sa championship game nila which is sa Thursday ay manonood ako.

“Badz, hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi mo kanina…”

“Hmm, kahit ako  naman eh, parang ngang dati ko pa ito nararamdaman pero tinatanggi ko lang kasi, bestfriend kita, at ayaw kong saktan ka.”

Ngumiti lang ako sa sinabi niya, kahit pala papaano alam ko na kung bakit niya ginawa yung bagay na iyon, ang pag reject sa akin dati, pero kasi nasaktan pa din naman niya ako noon.

“I know nasaktan kita badz.. nasaktan na kita, kaya nagpapasalamat ako na binigyan mo ko ng pagkakataong iprove sayo na totoo na ito.”

“Wala yun badz, at saka I really want to give this a try.” I said it him.

Naglakad lakad lang kami sa boung Mall, hanggang sa pumunta kami sa isang pet shop at saka kami nagtingin tingin, naalala ko tuloy yung puppy ko dati, may puppy kasi kami ang kaso namatay siya, iyak ako ng iyak nun dahil sa nangyari sa puppy ko ang kaso kahit anong gawin hindi na talaga siya nasalba pa, kaya simula noon hindi na ako bumili ng puppy dahil baka mamatay lang ulit.

“Ang ganda badz noh?” Tanong niya sa akin habang nakaturo sa isang Shih tzu na aso.

Bitter Mo Teh! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon