Chapter 22

492 14 4
                                    

Gypsy’ POV.

Makalipas ang ilang araw, maganda pa din ako tss. Yun nga makalipas ang ilang araw nabigla ako kay Shin, hindi ko alam pero pakiramdam ko may nagbago, at ang masakit lang iba na yung kasama niya.

Hindi ko alam pero ang bilis ng mga pangyayari, kami pa yung magkasama eh, kami pa yung nag-uusap at nagkukulitan, pero bakit ngayon iba na?

Hindi naman sa iniiwasan niya ako o ano pa, yes nag-uusap pa kaming dalawa pero alam mo yung may taong haharang harang sa inyong dalawa? At nakakapikon lang na nakakainis dahil kahit gusto mo siyang sabunutan oh sampalin o itapon sa gubat hindi mo magawa gawa dahil alam mong may isang taong magagalit pag nangyari yun.

“Ate? Oi ate! Hindi ka na naman nakikinig eh!” napatingin naman ako sa kaharap ko na si Chris, nginitian ko siya para hindi siya mag-alala, Friday na kasi ngayon, ang bilis ng araw no? I know right!

“Nakikinig kaya ako! Hmp, anyway naka pili ka na ba kung ano ang gusto mong kainin?”

Tumango naman siya kaya tinawag na namin yung nag se-serve sa shop, nandito kasi kami ngayon sa Icey Glaze, halos puro sweet ang nandito eh nakakasawa na nga psh, pero dahil sa gusto daw kumain dito ni Chris kaya hinayaan ko nalang, namiss ko din naman siya eh, talagang inabangan pa niya ako kanina sa classroom ko dahil baka hindi na daw niya ako maabutan.

Loko loko din ito eh pwedi naman niya ako tawagan o hindi kaya ay itext.

“Alam mo Chris, hindi ko akalaing may lalaki pa palang gustong kumain ng mga matatamis, bihira lang kasi ako nakakita ng lalaking kumakain ng sweets eh.”  Bigla kong sabi sa kanya habang iniinum ang inorder kong cappuccino, habang siya naman ay nag order ng grande ng Frappuccino at nag order na din kami ng Fries.

Pag kaming dalawa ang magkasama minsan French Fries lang ang inorder namin, dun kasi kami kadalasan nagkakasundo sa pagkain.

“Tss, ate may kanya kanya naman kasing panlasa ang tao at saka, gaya mo hindi ka mahilig sa sweets eh kababae mong tao, diba pag babae mahilig daw yun sa mga matatamis?”

Yes, tama siya baliktad nga kami eh, kung siya mahilig sa mga matatamis na pagkain ako hindi, hindi ko trip kumain ng mga matamis, kaya nga pag may nagbibigay sa akin ng mga chocolates, binibigay ko nalang kay Chris, at least hindi tinapon dba?

“I know, kaya nga baliktad tayong dalawa eh, hindi kaya Babae ka Chris at Lalaki ako?” Bigla kong tanong niya.

Napaubo naman si Chris sa sinabi ko, ang sarap talaga asarin ng kapatid kong ito hahaha.

“Ate!” mahinang diin niya.

“What?!”

“Wag ka nga mag assume ng ganyan nakakagulat ka naman eh!”

“Ahaha, sus! Ikaw talaga, nagbibiro lang ako alam ko namang hindi ka ganun noh, ikaw pa? Ang dami mo atang babae.” At saka kinindatan ko siya, hindi ko alam pero parang nakita ko siyang medyo nag blush.

Bitter Mo Teh! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon