Chapter 11

632 24 10
                                        

*CLICK* 

Syeet..

Kasabay ng tunog na nagmumula sa labas, bigla ding nawalan ng ilaw, at ang sobrang dilim na, kinakabahan ako at the same time nanginginig, ayaw ko sa ganito. Kinapa ko yung bulsa ko kung nasaan yung phone ko pero hindi ko mahagilap.

“Sh!T! N-Nathaniel, anjan ka ba?” Alam kong kasama ko siya eh, Bakit ba kasi nawalan ng ilaw dito?! At saka kung may black out man, alam kong may generator yung university namin. 

“Nathaan?? M-magsalita ka naman oh!” Ano ba naman tong lalaking ‘to hindi man lang nagsasalita! Kainis! 

Papalakad ako, hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil wala akong maaninag sa sobrang dilim. Hindi pa rin kasi nagsasalita yung ungas na yun! 

“N-Nathaniel.. Wag ka naman magbiro ng ganito oh,, magsalita ka!” Sobrang kinakabahan na talaga ako, ayaw ko sa ganito, ayaw ko sa sobrang dilim at sobrang tahimik pa. Nanginginig na ang mga tuhod ko habang naglalakad ako sa kawalan. 

Tahimik pa din ang lugar, ni walang imik akong naririnig mula kay Nathaniel, pero sigurado kasi ako na nandito siya, alam ko yun magkasama nga kami kanina na pumasok dito sa office diba? Pero asan na kaya yun? Sobrang kaba ko na talaga--

“BOO!” 

“WAAA! Syet! NATHANIELLL!!!” sigaw ko at saka bigla akong napa upo! Syet ayaw ko talaga sa ganito. Pleasee lang Tama na..! Ayaw ko na.. 

“*Sniff*..*Sniff*..” 

“Psh. Matakutin ka pala!” Rinig kong may nagsalita at alam kong si Nathaniel yun, so pinag ttripan niya ako? Kainis talaga sya! Hindi ko nalang siya inimik pa, umupo nalang ako dito malapit na pala ako sa may dingding, kaya napasandal ako dun at saka hinawakan ang dalawa kong paa habang nakayuko.

“Oyy, G-Gypsy ok ka lang ba?” 

“L-leave.. *Sniff* .. Leave me alone!” Nakakainis siya, bakit ba sya ganyan? Takot na takot na nga ako pero pinag ttripan pa rin niya ako! Ganun ba talaga siya kagalit sa akin, para pag tripan ako ng ganun? Alam kong may nagawa akong masama sa kanya pero sana wag naman sa ganitong paraan siya gumanti. Nakakainis lang kasi, ayaw ko pa naman kapag tinatakot ako ng ganun.

“Oy, umiiyak ka ba? S-sorry..” Rinig kong sabi sa nya, alam kong napaupo na rin siya malapit sa ding ding, Hindi ko nalang siya pinansin pa. Ayaw ko siya makausap, naiinis lang ako sa ginawa niya. 

“Oy! S-sorry naman oh, hindi k-ko k-kasi alam na, takot ka pala sa ganito.” Naramdaman ko ang pag hinga niya, at ang sensiridad sa sinasabi niya, pero ayaw ko talaga siya makausap, nakakainis naman kasi dito bakit ba kasi hinidi pa gumagana yung letching generator! 

Naramdaman ko ulit ang pagbuntong hininga nya, at saka hindi na umimik. Ayaw ko talaga siya makausap. Gusto ko nang umalis dito pero, mukhang hindi ko na alam dahil hindi pa rin bumabalik yung ilaw at saka alam kong gabi na siguro 9 pm na. 

#///#

Shin’ POV

Kanina ko pa tintext si Gypsy pero hindi siya nag rereply, ano kaya nangyari dun? Galit kaya yun? Pero bakit naman siya magagalit eh wala naman akong ginawang masama dun? Nakakamis din kasi ang kakulitan nun eh, kaso naging busy ako dahil kay dad at sa kompanya kaya hindi ako nakapasok kanina. 

“Son, kumusta ang pag aasikaso sa kompanya?” Tanong sa akin ni Momy, kakatapos lang namin mag dinner at nasa sala kami ngayon, dahil sa susunod na araw ay aalis na naman siya papuntang States kung nasaan si Dad at baka pumunta na rin sila sa Japan kung saan naka base ang isa sa mga main ng kompanya namin.

Bitter Mo Teh! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon