Crystal’ POV
Ilang taon na din ang nakalipas simula nangyari ang trahedyang yun, ang trahedyang naging dahilan sa pagbabago ng kapatid ko.
Naalala ko pa dati rati lagi kaming magkasama ni hindi nga kami mapaghiwalay dalawa, maliban syempre kay Kuya Chris, magkakasundo kaming tatlo, lalo na kaming dalawa ng ate ko. Si Ate Gypsy.
Ako nga pala si Jean Crystal Concepcion ang bunso nina Kuya Chris at Ate Jean. Same kaming may “Jean” sa pangalan namin noh? Ganun niya ako kamahal, siya din ang may gusto na same kaming dalawa na may “Jean” sa name namin, kaya yun ang sinuggest niya kina momy and dady.
Bata palang si ate nung mga panahong yun she’s still at the age of 4 nung nag suggest siya sa parents namin. Habang si kuya naman that time ay 2 Years old palang.
Lumaki kaming dalawa nina Ate at Kuya na sobrang close sa isa’t isa. Lalo na kay ate. Pag nga may mga lakad si Ate sinasama niya ako. Kung ano ang gusto niyang laruin nilalaro ko din. Pati yung mga hilig din ni Ate, ginagawa ko. I Love being with her. Para ko na din kasi siyang best friend.
Masaya naman kami dati ei. Pero totoo nga sigurong, Lahat ng tao ay nagbabago din, lalo na pag nasaktan ito ng sobra.
Siguro kasalanan ko din ang nangyari. Pero aksidente lang naman yun ei, Bata pa ako ng mga panahong yun. Pero sobrang galit ni ate sa akin, its seems para sa kaniya hindi na ako nag eexist pa sa buhay niya.
Bigla siyang nag bago.
Yung dating ate ko na masiyahin biglang nawala.
Parang naging ibang tao na siya.
I Really Miss My Ate.
Lagi ko nga siya tinatawag kasi gusto ko siya makausap, pero binabalewala lang niya ako. Tinitingnan niya ako sa paraang walang emosyon. Minsan linalagpasan lang niya ako without looking at me.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Haist.
Ganun ba talaga ang galit niya sa akin? Kulang nalang isumpa ako ng sarili kong kapatid.
Pero kahit ganun siya mahal ko pa din siya, ate ko siya ei.
Naalala ko pa nga dati lagi niya akong kinukwentuhan. Oo, lagi kaming nag-uusap dalawa, pag may umaaway sa akin pinagtatangol din niya ako. Ganun ako kamahal ng kapatid ko.
Siguro kung idedescribe ko yung ate ko, malayong malayo siya sa ate ko noon, kasi siya yung taong, mapagmahal, maalaga , at masiyahin. Malayong malayo sa kapatid na nakikita ko. Ni hindi ko na siya nakikitang ngumiti ngayon. Lalo na pag ako ang nakikita niya.
Sikat ang din naman si ate. Gustuhin ko man na mag-aral kung san siya pumapasok. Hindi nalang ako pumayag. Ayaw ko kasing mas lalong magalit siya sa akin.
Medyo sikat din naman ako dito sa skul kung nasan ako. Yun lang hindi ko alam kung bakit?
“Hoy! Bruha! Nakatuleleng ka na naman jan!” Tiningnan ko ng masama yung nasa tabi ko na palang si Leah. Wag na kayo mag taka kung bakit bruha ang tawag niya. Yun talaga tawagan namin. Sweet namin noh? Si Leah ang kaisa isang Bestfriend ko.
Sikat din naman si Leah sa skul namin, bukod kasi sa maganda at matalino, mabait din siya, yun nga lang pag sa akin ang brutal. Oh diba? Ang bait bait niyang best friend.
“Nakatuleleng ka jan! May iniisip lang ako, wag ka ngang epal!”
“Hmp! Ate mo na naman ba yang iniisip mo?” Nakataas pa yung isang kilay niya habang sinasabi yun.
“Yeah. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.” Naikwento ko kasi kay Leah ang lahat. Mag bestfriend na kami nito simula grade 5. At ngayon nga 1st year high school na kami, pero magkakasama pa din kaming dalawa. Galing noh?

BINABASA MO ANG
Bitter Mo Teh! #Wattys2017
Teen FictionShe's Bitter because of some reasons. She hate's her Sister because of what happened. And She hate the Word "LOVE" because for her, it never EXISTS and Will Never be. But what if her World will be going to turn upside down, is there any possibilitie...