Chapter 35

236 14 0
                                    

Chris’ POV. 

Hindi ko na mabilang ang mga araw simula nung umalis si Ate dito sa bahay, at ilang beses ko na din siyang laging pinipilit na umuwi na pero hanggang ngayon ay ayaw pa din niya, naalala ko na naman yung araw na nagkita kami sa Mall ni ate at hindi ko alam pero para siyang tulala at may problema.

~ FLASHBACK ~

 

“Ate?! May problema ka ba? Uyy!” medyo niyogyug ko yung balikat ni Ate, kasi naman kanina pa ako nagsasalita pero ang tahi-thaimik niya, ano kaya nangyari dito, kasi kanina hinatid siya ni Kuya Nathaniel at yung iba pa niyamg kasamang lalaki, pero si kuya Nathaniel lang yung nakilala ko dun eh kasi naman siya lang yung nakita ko dati.

 

“Ate?! Ate uy..”

 

“Ay SIOMAI!”

 

“Chris naman!, tsk, ikaw talaga bunso ok lang si ate, nabasa pa tuloy ako.” At saka siya ngumiti, ni hindi siya nagalit sa nagawa ko.

 

Dahil sa Kayugyog ko sa balikat niya ay hindi sinasadyang natabig ko yung tubig na malapit sa kanya, mabuti nalang at hindi siya nabasa ng todo, akala ko magagalit siya at papagalitan ako pero instead ay ngumiti lang siya, ganito yung totoong ate ko, yung ate na hindi marunong magalit, pero minsan lang ata yung lumalabas yun, yung totoong siya.

 

“Ate hindi ka galit?” Tanong ko sa kanya na siyang napa kunoot ng noo niya.

 

“Huh? Bakit naman ako magagalit? Ikaw talaga, alam ko naman na hindi mo sinasadya yun eh kaya ok lang, saka ano nga yung pinag-uusapan natin?”

 

“About kina Momy ate,.” Bigla naman siyang natahimik, hindi siya sumasagot pero parang naghihintay lang siya kung ano man ang sasabihin ko sa kanya.

 

“Ate, Mom, miss you so much, kaya sana umuwi ka na, dahil miss ka na namin.”

 

I saw her smile, isang ngiting alam kong pilit, isang ngiting hindi naniniwala sa mga pinagsasabi ko, isang ngiting alam kong pangbitter.

 

“Ate, please, let’s go home.” I said it to her, kulang nalang magmamakaawa ako sa kanya at umiyak para lang pumayag siya, dahil alam kong ginagawa din niya ito para takasan ang problema niya.

 

“Chris, as I said for the hundreds of times, Ayaw ko. And that’s final.”

 

Pagkasabi niya nun, natahimik nalang kaming dalawa, dahil hindi ko na din alam kung ano pa ang sasabihin ko, those words just make me shut up, hindi ko na alam kung anong paraan ang gagawin ko makumbinsi ko lang si ate na umuwi na.

 

“I-im really sorry, Chris, but I know you could understand me, understand my situation, kaya sana, huwag na lang muna natin ito pag-usapan, pwedi ba?” Tiningnan ko naman siya, at saka tumango.

Bitter Mo Teh! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon