Extra Chapter

89 1 0
                                    

Someone's POV.

Isang araw na naman ang lumipas at ngayong araw..ngayon ang araw kung saan ko ulit siya madadalaw, at kung saan ko ulit siya makakausap.



Ilang buwan na din ang nakalipas, at alam ko ngayong araw na 'to, ang isa sa pinakamahalagang araw sa kanya, kaya..ngayong araw na 'ito, ang araw kung saan ko siya pupuntahan.

"Hindi na po ba kayo magpapahatid senyorita?"

I just look at my driver and give him a cold stare bago ako nag patuloy sa paglalakad. I didn't even say a thing, ni hindi ko siya sinagot.

Well.. that's me...

Nag taxi na ako, papunta sa isang kilalang Shop,.. sa isang Flower Shop.

Naka dress lang ako ngayon, actually its an above the knee dress at naka doll shoes, also naka headband ako and I'm wearing my sunglass with a brand of Gucci. I'm also bringing my Prada wallet with me , actually naka all black ako ngayon.

Trip ko lang mag black.

"Ms. Nandito na po tayo." Tiningnan ko naman ang nag salitang driver sa front seat, at saka ko nakita yung Shop at may nakalagay na.."Sincere Petals".

Tiningnan ko naman sa phone ko yung binigay na pangalang shop sa akin at saka ko ulit tiningnan yung nasa labas, at mukhang ito na nga yun, ang sinasabi niya sa akin na isa sa mga kilalang Flower Shop sa boung Asia.

Kilala nga sa boung Asia, pero ang korny ng Pangalan, psh. Sincere? Walang ka taste taste ang nag pangalan nito tsk.

"Ms. Hindi pa po ba kayo lalabas?" Napatingin ako sa Driver at napataas ang kilay ko. Atat lang?

"Tsk. Here get it..and keep the change." Saka ko siya inabutan ng pera at saka dali daling lumabas agad.

Tiningnan ko muna ang Flower Shop, infairness, ok naman siya, may taste din pala kahit papaano ang may ari nito, I like the design, babaeng babae ang may-ari. May nakikita akong mga bulaklak sa labas ng Flower Shop, well actually I don't know any kinds of flowers, kaya hindi ko alam kung ano yung mga naka design sa labas ng Shop niya.

And,..I don't care any of those flowers anyway, at isa pa nandito lang ako para sa inorder kong bulaklak from the other day, para sa dadalhin ko sa kanya.

I start walking with full of confidence, I saw some people who are looking at me, tsk mga inggetera!. Oh. Well.. I don't have any choice about this shop naman, nakuha ko lang naman itong shop na ito nang dahil sa kanya. At ang sabi niya sa akin lahat ng bulaklak na hinahanap ko ay nandito sa Shop na 'to.

I don't know if it's true, but there is no harm on trying right? Kaya pumasok na ako sa Shop, dumeritso na ako sa may information, sosyal din pala itong Shop, it's like kinda resto or something, parang naka combine siya into Flower Shop na parang may Restaurant din, parang naaiba din siya, not like other flower shop na, plain flower shop lang talaga siya.

At bagay din naman kasi dito, ang I admit maganda din ang ambiance and also malaki naman talaga yung place niya.

"Good Day Ma'am!,." Nakangiti pang sabi nung nasa information at hinarap ko din siya.

"Where is the owner of this Shop?" Direct na tanong ko sa kanya, tsk. Bakit kailangan ko pang magpaligoy ligoy.

"Nasa loob po Ma'am, do you have an appointment with—

Hindi ko na siya sinagot dahil umalis na ako sa harapan niya, kakasawa tingnan ang pagmumukha niya eh at saka nag mamadali ako, I don't have an extra time for her.

Bitter Mo Teh! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon