Chapter 39

185 10 0
                                        

Gypsy' POV.

Boung araw ay hindi ko nakausap si Shin. Ang huli lang naming pag-uusap ay yung nagpaalam siya sa akin na hindi kami magkikita ngayon dahil may pupuntahan daw sya at may gagawin siya, pero hindi ko alam kung ano yun o kung saan siya pupunta at hindi ko maiwasang kabahan.

“Kanina ka pa hindi mapakali jan ah, ano nangyayari sayo?” Tanong sa akin ni Nathaniel na katabi ko na ngayon.

Sa boung araw ay wala akong ginawa kung di ang sumama sa kanila, napanoud ko ang boung laro nila at syempre sila ang panalo, hindi na naman ako magtataka doon eh, walang wala yung mga nakalaban nila kanina sa Game nila at panigurado ako na de-deritso na sila sa finals ng game.

“Wala naman, may ano lang kasi.. may hinihintay ako..” Sabi ko nalang sa kanya at hopefully hindi ako nag s-stammer habang sinasabi yun.

“Uh? Sino naman? Hmm, yung..yung b-bestfriend mo ba?”

Napatingin ako sa kanya nang itanong niya sa akin yun, at saka medyo napaiwas siguro dahil nahihiya ako sa kanya ewan ko ba siguro dahil alam ko yung nararamdaman niya at ayaw kong masaktan siya kahit alam kong nasasaktan na siya.

“I see, mukhang siya nga.”

“You know what, kaysa mag mukmok ka jan sa kahihntay sa kanya, bakit hindi ka nalang muna sumama sa amin?” Pag aalok niya sa akin.

Tiningnan ko naman siya at nagtataka kung saan sila pupunta, alam ko kasi na mag gagala sila ngayon dahil nga gusto nanaman daw nila I-celebrate ang pagkapanalo nila sa game kanina, pero hindi ko alam kung saan sila mag e-enjoy para sa celebration nila, kasama kasi ang boung Team.

Hindi pa ako nakasagot ng bigla niyang hinila ang kamay ko, at saka inakay niya ako papunta sa team nila, kakatapos lang kasi ng game nila kanina, at sa boung araw na kasama ko sila na nasa gym lang ako at nanonood lang sa kanila ay hindi talaga nagparamdam yung taong gusto ko makasama.

Dahil wala akong choice ay sumama nalang ako sa kanila, hila hila ako ni Nathaniel papunta sa kotse niya, napapatingin na sa amin ang mga tao sa paligid namin, may nag bubulong bulongan pero para sa kanya wala siyang naririnig dahil patuloy lang siya sa paglalakad niya.

“Nathaniel, dahan dahan lang, makahila ka naman eh!” Medyo reklamo ko sa kanya.

“Nagmamadali kasi tayo,” At saka siya naglalakad pa din pero this time medyo hinanaan na niya yung paglalakad niya, buti naman at para kaming nag ma-marathon kanina, ang laki laki kasi ng mga hakbang niya.

Nang makarating na kami sa kotse niya ay nandon na din pala ang ibang Team niya, kompletong kompleto eh parang may attendance lang sila, saka tiningnan ko isa isa pa talaga ang mga kotse, well hind na naman ako nagtataka about doon dahil mayayaman naman talaga ang mga nag-aaral dito.

“Tara na?”

“Saan ba tayo pupunta?”

“Basta, don’t worry hindi kita pababayaan.” Sabi niya sa akin by that, I do believe in him kaya tumango nalang ako at saka pumasok na sa kotse niya.

Bitter Mo Teh! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon