Chapter 28

437 14 2
                                    

Gypsy' POV. 

Sa boung kanta niya, ay palipat lipat ang tingin ko sa kanila ni Shin, alam ko naman eh.. alam kong para kay Shin yung kinanta niya, at halata namang may gusto siya kay Shin tsk, dati ko pa nahalata yun, lagi ba naman siyang dikit ng dikit na para nang walang bukas eh sino hindi makakahalata? Tsk.

“Good choice of song Ms. Laurel, and ang ganda ng boses mo, at for sure kung sino man yung taong yun, I’m sure na alam na niya yung gusto mong ipahiwatig,..” Sabi ng proff namin at nag thank you naman yung babaeng bulate.

Bago siya umupo ay tumingin ulit siya sa katabi ko, tahimik lang si Shin sa boung kanta, hindi ko din alam kung ano ang iniisip niya dahil hindi naman ako manghuhula. Sunod sunod na ang Kumanta, at pang lima palang kakanta sina Kris at Nathaniel, sila kasi yung partner.

Medyo napatawa ako nung sina Nathaniel at Kris na ang kakanta, nag tutulakan pa kasi sila na parang bata kung sino ang mag sasalita muna bago mag simulang kumanta, hanggang sa nag bato bato pick nalang sila.

Tawanan naman ang iba naming classmates, at syempre ang nanalo si Nathaniel, kaya si Kris ang nagsalita, lahat tutok lang sa kanila kung ano ang kakantahin nilang dalawa.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako, ito ata yung sinasabi sa akin ni Steffan na pinagtripan niya ito, nagtanong kasi silang dalawa kung ano ang kakantahin nila, at ang kanta lang namang napili nila ay..

Mr. Suave. Hahaha Langya, at may pa pose pose pa silang nalalaman at hindi lang yun talagang nag lagay pa sila ng mga bigote, kung ako ay natatawa na, yung iba naman mukhang kilig na kilig pa, tsk, madami talagang mahaharot eh, pero grabe talaga, hahaha, kinunan ko sila ng Video dahil ipapakita ko ‘to kay Steffan, humingi kasi siya ng pabor sa akin kaya ayun.

“That..Was, very.. uhm awesome?” Medyo natatawa pang komento ng proff namin, minsan naisip ko tuloy kung pinag tritripan lang kami nito eh, nag hahanap lang ata ‘to ng singer!

“Thank Guys for listening.” Sabi pa nilang dalawa at sabay kindat, kaya naghiyawan na naman ang mga babae..

“Waaaa! Grabee!  I LOVE YOUUU KRISSS!!”

 

“MR. SUAVEEE!! Whooo! Nathaniell!!”

 

“Wetwiw! Ang Gwapo mo Nathaniellll at Krisss!!”

 

“Krisss! Marry Me!”

 

“Nathaniell!! Akin ka nalang!!”

 

“Sayong sayo lang ako Mr. SUAVE NATHANIEELL!”

 

“Woooo!! Papakasalan kita kahit saang simbahann Krisss!”

 

“Nathaniell! Be mine!!”

 

“Akin ka langgg KRisss!”

Bitter Mo Teh! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon