Shin’ POV
Alam kong masakit ang mga pinagdadaanan ni Gypsy, nandun ako ng mga panahong umiyak at halos hindi na niya alam ang kaniyang gagawin.
Grade 6 pa lang kami ng mga panahong iyon ng mangyari ang trahedyang iyon. Ang trahedyang alam kong naging dahilan kung bakit siya nag bago. Halos limang taon na rin pala ang nakakaraan.
Limang taon nang mangyari ang aksidenting iyon. Magkaklase na kami ni Gypsy simula grade 4 nung umuwi kami ng pinas ng parents ko galing japan. At sa panahong nakilala ko si Gypsy hindi rin naglaon at naging mag bestfriend kami, siya din kasi ang una kong naging kaibigan nung lumipat ako sa paaralan nila.
Masiyahing bata ang pagkakilala ko sa kaniya. Lagi niya akong napapatawa, halos lagi din niya kasama yung bunso niyang kapatid na si Crystal. Tatlo silang magkakapatid.
Pero sadyang “Lahat nga nang bagay dito sa mundo ay may katapusan din, kumbaga may expiration date.” Nang mangyari ang trahedyang yun, nag-ibang tao na si Gypsy, minsan hindi ko na siya kilala pero inintindi ko nalang, ayaw ko mawala yung bestfriend ko. Kasi naiintindihan ko siya.
Hindi madali ang nangyari. Sa mura niyang edad noon alam kong, sobrang nasaktan siya.
“Hey! Lalim ata ng iniisip natin tol ah?!”
Napalingon ako, si Gin lang pala isa sa kaibigan ko, maliban sa bestfriend kong si Gypsy, may kaibigan iba din naman akong kaibigan, medyo matagal na din kaming magka tropa nitong si Gin.
“Wala tol! May naiisip lang.” Sabi ko sa kaniya habang nakaupo sa may terrace ng bahay naming. Binista kasi ako ni Gin dahil medyo matagal na din naman yung huli naming pagkikita, may gala kami mamaya eh, hinihintay lang naming yung iba.
“Oh? Ano naman Tol? O baka chiks yan ah!”
“Gago! Hindi, yung bestfriend ko.”
Nakita ko siyang na ngumiti. Hindi pa nila na kilala si Gypsy pero nakwento ko na sila yung bestfriend ko.
“Bakit Tol? In love ka na ba sa Bestfriend mo?”
Bigla akong nagulat sa tanong niya. Naalala ko na naman yung araw na nagtapat siya sa akin. Grabe yung kaba ko nun.
Ayaw na ayaw ko kasing masaktan si Gypsy pero hindi ko yung naiwasan nung mga panahong iyon.
“Hindi. Gago! Baka ikaw In love na sa Bestfriend mo.” Saka ko siya binigyan ng mapang asar na ngiti.
Kilala ko na din ang bestfriend ni Gino, hindi ako nagkakamali Xhammy ang pangalan ng bestfriend niya. Kilala ko lang siya base sa kwento niya sa amin. Nakakatawa nga na pareho kaming merong babaeng bestfriend pero hindi pa namin naipakilala sa isat isa.
“Gago! Hahaha. Akalain mo tol, pareho tayong may babaeng bestfriend pero pareho tayong hindi pa naipakilala sa isat isa.” Pa iling iling pa niyang sabi.
“Yeah. Hindi ko nga maimagine if maging magkaibigan din ba yung dalawa if ipakilala natin silang dalawa.”
Naiimagine ko na kasi ang reaction ni Gypsy pag pinakilala ko siya sa iba. Panigurado susungitan niya yung bestfriend ni Gino. Kilala ko siya, bukod sa akin ayaw na niya magkaroon pa ng ibang kaibigan.
“Hindi ko alam if magkakasundo sila ni Xhammy.”
“Ako din. Hindi ko alam if magkakasundo nga silang dalawa ni Gypsy pag nagkataon.”
Bigla kaming nagkatinginan dalawa at ngumiti.
Napapailing na naman ako ng maalala ko si Gypsy. Ang Nag-iisang bestfriend ko.
BINABASA MO ANG
Bitter Mo Teh! #Wattys2017
Novela JuvenilShe's Bitter because of some reasons. She hate's her Sister because of what happened. And She hate the Word "LOVE" because for her, it never EXISTS and Will Never be. But what if her World will be going to turn upside down, is there any possibilitie...
