Gypsy' POV.
"Psh, Sabi ko na nga ba eh tsk." Napapailing nalang ako habang naka cross arms pa at saka siya tinitingnan na kanina pa hindi mawala wala yung mga ngiti niya sa labi.
"Pfft, oi badz, baka sabihin mo na naman na madaya ako ha, tandaan mo ikaw ang unang nanalo sa first round." Despensa pa niya, tsk, eh sa alam ko nanamang talaga na mananalo siya eh, inirapan ko nalang siya na siyang kinatawa niya.
"Tsh, if I know nagpatalo ka lang sa akin sa first round." Sabi ko sa kanya.
"Hindi ah! Magaling ka lang naman ah, kulang ka lang sa focus kanina, lagi ka kasing naka tingin sa akin eh." At saka mas lumapad pa yung ngiti niya, at nilapitan ako.
"ASA ka naman na tinitingnan kita!" Halos sigaw ko na sa kanya.
Hindi na siya umimik pero lumapit pa siya sa akin, at saka may binulong, ramdam na ramdam ko yung pag hinga niya, nakakakiliti lang.
"Don't worry, even though natalo ka, you still won my heart." Sabi niya sa akin at saka tiningnan ako at hinawakan niya yung mga kamay ko.
Halos hindi na ako makagalaw sa pwesto ko, ano bang nakain ng nilalang na 'to at ganito to kung magsalita sa akin.
"Tara next Game na tayo!" Biglang sabi niya sa akin at saka naglaro na nga kaming dalawa.
Halos lahat ay nilalaro na namin, kung ito man ang sinasabi niyang Date, sulit na sulit na sa akin, hindi kasi kailangan ng isang fancy restaurant o kung anong mang mga surprises para lang matawag ito na "Date" Sometimes its enough na kahit saan man kayo o kahit simpleng lakad lang, as long as magkasama kayo ng taong mahal mo.
Napapangiti ako sa bawat pag shoot niya sa ring, nandito kasi kami ngayon sa basketball Game, katunayan kaming dalawa ang naglalaro ngayon, at ang loko kinikindatan na naman ako sa bawat pag shoot niya ng bola, kaya ako naman ay natutulala, oy tulala lang baka isipin nyo pati laway ko tumutulo lels!
Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang tawag sa amin, ayaw ko pa rin naman kasi na mag assume, pero minsan na iisip ko kung MU ba kami, Mutual Understanding kung sabihin ng iba pero paano pag Miss Understanding lang pala?
Halos mag tatlong oras kaming nag lalaro sa GameXZone bago namin naisipan na umalis na, at saka dinala naman niya ako sa isang Japanese Restaurant, nag crave daw kasi siya ng Japanese food, at dahil gutom na din naman ako pumayag na ako sa gusto niya.
Minsan na din kaming kumakain sa mga ganito, pero minsan mas gusto naming kumain nung mga Street Foods, ewan pero mas masarap kasi siya kahit halos yun na ang kainin namin boung araw hindi kami nag sasawa ni Shin.
Pagkapasok namin ay binati kami nung isang babae at saka nag bow, nag bow din kami as a sign of respect, actually si Shin lang ang halos nakikipag-usap dahil marunong siyang mag nihonggo, pero nakakaintindi naman sila dito ng English kaya ok na din.
Inassist na kami ng waiter pa punta sa seat namin at saka binigyan kami ng Menu. Tiningnan ko naman ang mga pagkain nila, actually nakakain na ako dito, at si Shin ang kasam ko nun, medyo mahilig kasi siya dito, kaya pag minsan gusto namin kumain ng Japanese Food dito kami nag pupunta.
"What do you want Badz?" Tanong sa akin ni Shin kaya napatingin ako sa kanya habang naka tingin pa din sa Menu niya.
Tiningnan ko naman ulit yung Menu ko, madami dami naman talaga ang pweding pagpipilian dito eh, kaso iilan lang talaga ang gusto kong kainin dito, kaya hinanap ko siya sa Menu nila and gladly, nahanap ko naman siya.
Tumingin ako sa Waiter at saka ngumiti, bago binigay yung order ko.
"I want, Soba, Takoyaki Ikura and Temaki." Tumango tango naman yung waiter at saka nililista yung mga inorder ko.

BINABASA MO ANG
Bitter Mo Teh! #Wattys2017
Teen FictionShe's Bitter because of some reasons. She hate's her Sister because of what happened. And She hate the Word "LOVE" because for her, it never EXISTS and Will Never be. But what if her World will be going to turn upside down, is there any possibilitie...