Chapter 26

440 15 0
                                    

Gypsy’ POV.

“Alam mo bang mahal na mahal ka ni ate?”

 

“Oo naman ate, at syempre mahal na mahal na mahal din kita!”

 

“Ay, ay baby si ate lang ang love mo? Paano naman si kuya?”

 

Tiningnan naman niya ang isang lalaki at saka nilapitan niya ito at biglang niyakap, sabay halik sa pisnge, napaka sweet talaga nang batang ‘to, kaya mahal na mahal ko ‘to eh.

 

“Syempre kuya! Mahal na mahal din kita, kayo nina ate!” Napangiti naman ako sa sinabi niya, bata palang siya pero ang dami nang alam.

 

“Nako baby, baka naman si Ate lang talaga ang mahal mo ha, nagtatampo si kuya.”

 

“No..kuya mahal kita noh, kaya wag ka na mag sad jan!”

 

“Talaga? Kiss mo nga ulit si kuya sa pisnge.” Nakangiting sabi nang lalaki habang kaharap pa din niya ang kasama niyang bata.

 

“Mwah! Ayan kuya ha! Wag ka na magtampororot! Hehehe.”

 

“Nako, ang cute cute talaga nang baby namin..” At saka kinurot nito ang pisnge nang bata.

 

“Ay! Kuya..—

 

“Ate—

 

“Atee—

 

“ATEEEE—

 

“ATEEE— TULONG!!

 

“ATEEEE..SNIFF.. TULONG..—

 

“TULONG!!! WAAAAA….”

 

 “ATEEE!!!—

 

“NOOOO!”

“HIJA! Gising!! Hey!!..”

“INAANAK!”

Narinig ko ang biglang pagsigaw ni Ninang, nasa harapan ko na pala siya, naramadaman ko nalang ang bigla niyang pagyakap sa akin, habang wala pa din ako sa huwisyo, ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

“Inaanak,,shh nanaginip ka na naman.” Hinahagod ni Ninang ang likod ko, habang nakayakap pa din sa akin.

“Ni-ninang.. Halos gabi gabi nalang.. ba-bakit..bakit hi-hindi ko pa rin iyon makalimutan, bakit palagi pa rin ako hinahunting nang nakaraan ko, kahit sa panaginip halos iyong..—

Bitter Mo Teh! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon