Gypsy’s POV.
Hindi ko alam kung bakit pero kanina ko pa talaga siya iniisip, nakakapanibago lang kasi na hindi kami nagbabangayan ngayon, nasanay na kasi ako na halos walang araw ang lilipas maliban nalang siguro pag sabado o di kaya ay linggo na hindi kami nagtatalo.
Kakatapos lang ng huli naming subject ngayon, pero wala pa rin siya. Ni hindi siya pumasok boung araw, ano kaya nangyari doon? Nilibot ko ang tingin sa boung room, pati ang mga kaklase namin na nagsisimula nang nagsisilabasan. Pero wala talaga.
Kahit naman kasi papaano siya ang naging kasama ko nung mga panahong gusto ko na sanang iwasan si Shin, pero ngayon bigla nalang siya nawala? Hindi kaya bumalik na siya sa dati niyang room?
“Badz?”
Nilingon ko naman si Shin, na nakaupo pa din at tinitingnan ako, nagtataka na siguro ito, kanina pa kasi ako tahimik at kanina pa din niya ako kinakausap.
“Badz? Is there something wrong? Kanina ka pa jan parang may hinahanap?”
“Wala, naisip ko lang kasi bigla..”
“Oh? Anong naisip mo?” Pagtatakang tanong niya sa akin.
Huminga muna ako ng malalim, alam ko namang walag lihim sa amin ni Shin eh, ganun kami mag bestfriend
“Hmm, wala badz, bigla ko lang kasi naisip si Nathaniel..”
“Nathaniel? Anong meron sa kanya?”
Tiningnan ko naman muna siya bago sinagot.
“Nagulat lang ako kasi ano..hindi siya pumasok ngayon.”
“Ahh, baka naman maysakit badz? Saka baka may inaasikaso lang?”
Napaisip naman ako sa sinabi ni Shin. Sakit? Imposibleng magkasakit ang isang masamang damo, at saka kung may inaasikaso siya ano naman yun? Hindi kaya…
“Badz..Tara na.” Napatingin naman ako kay Shin.
“Ihahatid na kita.” Sabi pa niya at saka siya ngumiti.
Tumango naman ako sa kanya at saka kami sabay naglakad papuntang Parking lot, nga pala gusto kasi niya na sa kanya na ako sasabay palagi kada uwian namin. Kung pwedi nga lang daw na pati bago pumasok susunduin niya ako, pero hindi ako pumayag kasabay ko din naman si Ninang kaya ok lang.
Hanggang ngayon kina Ninang pa din ako nakikituloy, ayaw ko pang umuwi, ganito naman talaga ang set up ko eh, pag nandito sila sa bansa hindi ako umuuwi nang bahay at wala naman silang paki alam kung ano ang gusto kong gawin maliban nalang kay Chris.
“Badz? Hindi mo ba namimis ang kapatid mo?” Biglang tanong sa akin ni Shin, habang nasa byahe na kami. Magkatabi kaming nakaupo sa backseat.

BINABASA MO ANG
Bitter Mo Teh! #Wattys2017
Teen FictionShe's Bitter because of some reasons. She hate's her Sister because of what happened. And She hate the Word "LOVE" because for her, it never EXISTS and Will Never be. But what if her World will be going to turn upside down, is there any possibilitie...