Chapter 27

487 16 3
                                        

Shin’ POV.

“Senyorito, nandito po si Ms. Candice” Sabi sa akin ng isang maid. Tumango naman ako.

“Sige manang, papasukin mo lang.” Sabi ko sa kanya at saka siya umalis.

Bakit kaya nandito yun? Alas syete na kasi nang gabi, at tapos na rin kami ni Gypsy mag practice kanina, dapat nga dito na yun natulog, kaso she insists dahil wala daw makakasama si Tita Leah, kaya umuwi nalang siya, makikipag movie marathon pa sana ako eh.

Hindi ko alam pero nabitin talaga ako kanina, kung pwedi nga lang sana na dito na siya tumira eh. Tsk ano ba itong pinag iisip ko, haist, nak ng—

“Baby shin,.” Napalingon naman ako sa tumawag sa akin, nakita ko siya na nakayuko ang ulo, anong nangyri dito?

“Hey, ano nangyari sayo?” tanong ko sa kanya at saka ko siya nilapitan. Nagulat naman ako nang bigla niya akong niyakap, at saka umiyak.

“Hoy, ano nangyari sayo at umiiyak ka? May umaway ba sayo ha?” Concern na tanong ko sa kanya. Tiningnan naman niya ako at nakita kong namumula yung mga mata niya.

“Wa-wala..sniff..na-namiss ko lang..sniff..namiss ko lang..sina Mom at Dad, pati si Kuya.. haist, ako lang kasi..sniff..mag-isa sa bahay eh..sniff..sniff..” Niyakap ko nalang siya, spoiled kasi itong babaeng ito, at saka alam kong hindi siya sanay mag-isa kaya siguro ganito yung nararamdaman niya ngayon.

Pinaupo ko muna siya at saka binigyan ng tubig, tumahan naman siya at saka ngumiti.

“Thank you Shin ha, hindi ka pa rin nagbabago.” Sabi niya sa akin nang nakangiti. Ginulo ko naman yung buhok niya, ayun nag pout haha, para talagang bata ‘to.

“Alam mo bang sobrang lungkot ko nung umalis kami ng japan.” Sabi niya sa akin.

“Ako din naman eh, tayo kaya yung magkasama sa japan,” Sabi ko sa kanya.

Nilagay naman niya ang baso sa mesa at saka ako hinarap, at saka pa tuloy sa pag kwekwento nya sa akin…

“Nung nasa London na kami, palagi kitang iniisip, nung mga panahong iyon bumabalik na naman yung takot ko sa mga tao, nasanay na kasi ako na nanjan ka eh, yung taong naging tagapagtangol ko sa ibang bata...” Napangiti naman ako sa sinabi niya.

“Naalala mo pa ba dati Shin? Nung nasa japan tayo, nung mga panahon kung paano tayo nagkakilala?” Tanong niya sa akin at saka tumango naman ako.

Naalala ko pa lahat lahat yun, kung paano ko siya unang nakita at naging kaibigan, nasa japan pa kami ng mga panahong iyon, at hindi ko pa nakikilala si Gypsy.

“Tanda mo pa ba yung mga bully?” tanong niya sa akin. At medyo napatawa naman ako sa tanong niya.

“Oo naman, tandang tanda ko pa nga kung paano ka nila binully eh, haha at saka ako dumating, at ang alam ko dun tayo una naging mag kaibigan.” Ngiting sabi ko sa kanya.

Bitter Mo Teh! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon