Chapter 12

561 22 4
                                    

Isang linggo ko na siyang iniiwasan. Oo, isang linggo na kaming hindi nakakapag-usap, mahirap gawin lalo na at katabi mo pa lagi ang taong iniiwasan mo, pero kailangan eh, kailangan dahil ito lang ang paraan ko para hindi ako masaktan, kahit ang kaisa isang tao pang laging nanjan para sa akin. 

“Hoy babae, sigurado ka ba talaga sa pinagagawa mo?” Tiningnan ko lang siya ng masama. 

“Yeah. Alam ko ok? Saka wag ka nga mag reklamo jan psh.” 

“Aish, ewan ko sayo babae ka, ang komplikado mo din noh?” 

Pinagtaasan ko lang siya ng isang kilay at saka inirapan. 

“Just shut up Nathaniel Santos.” 

Tumahimik naman sya at saka pinagpatuloy yung pagkain nya ng burger, nasa garden kasi kaming dalawa, hinihintay namin yung apat. Simula nung naisipan kong umiwas sa taong gusto ko, mas lalo naman kaming napalapit dalawa ni Nathaniel, sa isang linggong iyon, kahit minsan may mga bagay bagay pa rin kaming hindi mapapag kasunduan, alam kong naiintindihan niya ako, I don’t know pero siguro na sesense nya rin, kaya hinahayaan nalang niya ako. 

Nung una nagtatanong siya kung bakit hindi na kami magkasama nung taong katabi ko, sinabi ko lang sa kanya na ayaw ko na muna sya kasama and then yun hindi na siya nagtanong, mabuti nalang talaga at hindi siya chismoso. Well, si Shin naman, sa totoo lang nahihirapan ako, mahirap iwasan ang isang taong kagaya niya, lalo na at bestfriend mo pa at mahal mo. Sa tuwing na magsasalita siya umaalis agad ako, sa tuwing na magsasalubong kami mag iiba ako ng daan, lahat ginagawa ko para lang hindi kami magkausap at magkasalubong.

“Alam mo hindi ko talaga alam kung bakit mo ito ginagawa, pero sana tama yang naging decision mo.” Bigla akong napatingin kay Nathaniel na nasa tabi ko lang, pagktapos niyang kumain ng burger niya, ininum naman nya yung dala niyang coke in can. Hindi nalang ako umimik  dahil maski ako hinid ko rin alam kung tama nga ba talaga yung naging decision ko. 

Sumandal nalang ako sa inuupuan namin, at saka pumikit. Naalala ko na naman ang unang araw na iniwasan ko siya, hindi madali ang ginawa ko, pero buti nalang nagawa ko.

~Flashback

“Morning badz.!” 

Papasok pa lang ako sa room nang marinig ko siya mula sa likuran ko, gustuhin ko man siyang lingunin hindi ko ginawa, lumakad nalang ako papunta sa upuan ko na parang walang narinig mula sa kanya. Dapat kayanin kong hindi siya imikin. 

“Badz? May problema ba?” Rinig kong tanong niya sa akin at saka umupo sa tabi ko. 

Ayaw ko siya kausapin, alam kong mali dahil mag kaibigan pa rin naman kami hindi lang basta simpleng kaibigan kungdi matalik na magkaibigan.

“B-badz, kung may problema man, sabihin mo sa akin, wag yung hindi ka iimik.” 

Ramdam kong hahawakan niya yung kamay ko pero tumayo ako, tumayo ako at lumabas ng room, ayaw ko siyang makausap. Kailangan kong gawin ‘to.

 Sorry Shin.

Palabas na ako ng nauntog ako. Nauntog sa isang tao na hindi ko akalaing makakasama ko. Tiningnan ko siya sa mga mata, pero bago man siya makaalis at malagpasan ako para makapasok sa room, hinawakan ko yung kamay niya, bahala na kung ano yung sasabihin niya basta may makasama lang ako, kahit sigawan niya ako bahala na..

“Hoy baliw! Anong ginagawa mo? Bitiwan mo nga ang kamay ko.” Kinakaladkad ko pa rin siya, may mga taong nakakita sa ginagawa ko, yung iba alam ko kung ano na yung mga iniisip nila pero wala akong pakialam. 

Yung iba naririnig kung nagbubulungan pero hindi ko na pinansin pa, ang mahalaga kasama ko tong lalaking to.

Nakarating naman kami dito sa may garden, umupo ako at sya nakatayo lang na nagtataka pa din. 

Bitter Mo Teh! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon