Chapter 40

185 10 1
                                        

Kris’ POV.

“Dude, tuloy talaga yung pagsali nyo sa Batlle of the bands na yan?” Tanong ko sa kanila habang may kanya kanya kaming ginagawa dito sa secret room namin.

Bukas na din kasi yung last Game namin at yeah for the championship na ang laban naming iyon, pero sana nga ay manalo pa din kami, hindi na ata idinitalye ng author ang mga laro namin nung nakaraan pero ok lang dahil love ko naman ang author na iyon hahaha.

Kaya nandito kami sa Secret room namin ay dahil maliban sa nagpapahinga kami ay inihahanda din nila ang mga gamit nila para sa practice nila para sa battle of the bands na sasalihan nila next next week. May one week pa sila for the practice at sa preparation and all in all.

“Yup, at saka na curious kasi ako sa last prize nila eh, ano kaya yun? Hindi kaya mamimigay sila ng kotse?” Sabi naman ni Nathaniel habang inaayos ang tono ng gitara niya.

“Hmm, baka naman libreng pagkain?” Napatingin naman ako kay Harry, pambihira pagkain? Ano yun may feeding program lang.

“Baka naman mamimigay sila ng libreng chicks.”

“Oo nga tol! Sulit yun! Tig dalawa pa tayo!” Natatawang sabi naman ni Gelo sa biglang sinabi ni Steffan.

Mga gago, hanggang ngayon ba naman at hanggang dito babae pa din ang nasa isip nila? Pambihira talaga tong mga playboy na ‘to. May pag asa pa kayang magbago itong mga lokong loko na ‘to.

“Aray naman leader! Anon a naman ang ginawa ko?” Napatingin ako kay Steffan na hawak hawak ang ulo niya, mukhang may ginawa na naman si Nathaniel dito, loko loko din kasi itong playboy na ‘to eh, hindi na natuto.

“Kung ano ano kasi ang pinagsasabi mo jan Dela Cruz! Umayos ka nga! At saka hinahawaan mo na itong si Gelo, ikaw pa naman yung matanada sa inyong dalawa tsk.” 

“Eh leader! Good influence kaya ako jan ke Gelo, ayan oh at least hindi siya basta basta nasasaktan ng kahit sinong babae.” Napapailing nalang kami ni Niel sa sinabi niya.

Alam kong may pinagdadaan itong si Steffan kung bakit naging ganito siya kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito, pero hindi ko alam na mas lumala na pala siya, yung dating simpleng pagiging playboy niya ay mukhang mas naging grabe pa, dahil kung dati ay tig dalawa lang siya sa isang linggo ngayon umaabot pa ng tatlo or worse ay apat, grabe hindi pa ba siya nakakarma nun?

“Ewan ko sayo Dude! Bahala ka nga jan! Sya aalis muna ako, sa Friday nalang tayo mag practice para sa contest, mag isip na din muna kayo kung ano ang kakantahin natin.”

Pagkasabing pagkasabi niya nun ay umalis na siya ng Secret Room, at ewan kung saan yun pupunta, tiningnan ko naman sina Gelo at Setffan na nag uusap o nag sisihan ata.

“Halaka dude, mukhang na galit ata si Leader.” Sabi naman ni Gelo habang may pa turo turo pa kay Steffan.

“Anong ako! Oi wala akong ginagawa kay Leader noh! At saka siya pa nga itong sumapak sa akin eh.”

Bitter Mo Teh! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon