Gypsy’ POV.
Ikatatlong araw. Tatlong araw na kaming walang pasok, at tatlong araw na rin kaming masaya dahil wala ngang pasok, dahil sa buwan na ng Agosto, kung saan naging tradition na din namin na boung buwan kami magkakaroon ng iba’t ibang activities.
At sa linggong ito halos puro booths lang ang mayroon, next week naman ang “Sports Feast” Kung saan may iba’t ibang schools na maglaban laban sa iba’t ibang sports na sinasalihan ng mga manlalaro, at sa pangatlong linggo at pang-apat na linggo naman yung may mga Contest, hindi ko nga lang alam kung ano ano ang mga iyon, pero ang nabasa ko lang may contest din tungol sa Battle of the Bands, may Pageant at iba pa.
At dahil sa booths kami napunta ni Shin, kaya busy na busy kaming dalawa, pero ang cute lang kasi ng booth na naisipan namin ni Shin, haha, ang sa totoo lang simula nung kumanta kami, mas naging sweet pa siya sa akin, yun bang pinaparamdam nya sayo na sobrang espesyal ka sa kanya.
Unti unti na rin nawawala yung takot ko, yung takot na baka mas masaktan niya pa ako, dahil na rin sa mga sinabi niya sa akin at they way na pinaramdamam niya sa akin, kaso nga lang kung minsan hindi ko maiwasang mainis, hindi dahil sa kanya kung hindi dahil sa babaeng lagi niyang kasama, hindi lang pala “niya” kung hindi “namin”.
“Badz, may request na naman sa atin oh, ito naman daw kanta ang kakantahin namin.” Napatingin ako kay Shin, and yeah about sa booth namin, ito na yun. Kung saan mag pweding mag request ng mga kanta ang bawat estudyante na kakantahin namin, pero hindi lang naman kami ni Shin ang nandito eh, katunayan anim kami, kaya palit palitan kami and since na kami ang na atasan ni Shin ngayon, kaya kami ang nandito.
“Oh, tara,” Sabi ko sa kanya nang tingnan ang isang pirasong papel kung saan nakasulat ang request nila, medyo madami dami din naman ang gustong mag request, para nga siyang mini KTVbar, ang kaso sa amin walang mga beer o kung ano man, mga juices lang ang nandito at mga pagkain at iba na ang nag seserve nun, hindi naman pwedi na kami lahat noh.
Umakyat na kaming dalawa sa mini stage na ginawa ng mga kasama namin, umupo ako habang hawak hawak ang mic, pati rin si Shin habang hawak nito ang gitara niya, at sinimulan na naming kantahin yung kanta na ni request sa amin.
Kahit papaano, nagkakarooon kami ng oras ni Shin na magkasama, I mean halos lagi naman kami magkasama pero, nang dahil sa isang kabute, minsan sumisingit kasi iyon kaya imbes na kami lang dalawa nagiging tatlo kami tsk.
At hindi ko alam kung bakit hindi makatanggi si Shin, kung dahil ba sa kababata niya ito o kung may iba pa ba siyang rason na hindi ko alam kung ano man iyon, at saka ayaw ko naman siyang tanungin dahil alam kong mahalaga din sa kanya yung babaeng iyon pero kasi, hindi ko maiwasang matakot, dahil baka pag gising ko nalang isang araw, tuluyan na siyang sumama kay Candice.
“Hoy! Kanina pa tayo tapos dito, pero nakatulala ka jan Badz, may sakit ka ba.” Hinawakan naman niya yung noo ko kaya napatingin ako sa kanya at saka kumunot ang noo ko.
“Wala akong sakit no, ano ka ba, ok lang ako badz.” At saka ko tinangal yung kamay niya sa nook o, hinawakan naman niya yung kamay ko bigla, anobeyen! Kinikilig ako hahah. Letse balasubas! Hinawakan palang niya kamay ko kinilig na ako, yan palang yun ha.
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa kanya.
BINABASA MO ANG
Bitter Mo Teh! #Wattys2017
Teen FictionShe's Bitter because of some reasons. She hate's her Sister because of what happened. And She hate the Word "LOVE" because for her, it never EXISTS and Will Never be. But what if her World will be going to turn upside down, is there any possibilitie...
