Chapter 15

611 22 15
                                        

Gypsy’s POV.

 

Nakaupo kaming dalawa ni Shin sa sofa kung saan niya kami dinala. Ilang taon na din ang nakakaraan nung huli kong bisita dito, at sa nakikita ko marami nang nagbago sa bahay na ito.

At sa buhay niya.

 

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan, kung paano ko sasabihin at kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Tahimik lang kami dalawa ni Shin dito na nakaupo habang palipat lipat naman ang mga tingin niya sa aming dalawa.

“What can I do for you?” Tanong niya sa akin habang nakatitig pa rin sa aking mga mata.

Kinakabahan ako.

Paano ko ba sasabihin?

Tinitigan ko pa rin siya, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Paano kung hindi siya pumayag? Paano kung itakwil niya ako? Alam kung marami na ang nangyari, at marami na ring taon ang nagdaan simula nung mga panahong huli kong punta rito.

“Gypsy?..”

Tawag niya sa akin nang napayuko nalang ako bigla sa di ko alam na dahilan, parang nahihiya ako na ewan.

“Bakit ka nandito?”

Tanong niya sa malamig niyang boses. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Napapalunok ako habang wala ring imik ang kasama ko.

“Hmm, I don’t know kung bakit ka pumunta dito but I guess you need some help right?”

I silently nod, isang pahiwatig na tama ang tinatanong niya sa akin. Dahil alam kong siya lang ang makakatulong sa akin sa mga oras na ‘ito. Naramdaman ko naman ang biglang katahimikan, isang malakas na tibok ng puso ang naririnig ko sa mga oras na ‘ito at inaamin kong kinakabahan ako, kinakabahan ako sa possible niyang sabihin, na baka ayaw na niya akong tulungan sa mga pagkakataong gaya nito.

Gusto ko man siya tingnan sa mga mata niya pero hindi ko magawa, hindi ko magawa dahil sa takot ko, kailan ba ang huli naming pag-uusap? Ang huli naming pagkikita at ang huling pagkakataon na nakita ko ang mga mata niya. At sa ngayon walang ibang bumabalot sa nararamdaman ko kung hindi takot at kalungkutan, takot na baka tanggihan niya ako at kalungkutan dahil sa nangyayari sa amin ngayon. 

Narinig kong napa buntong hininga siya at saka siya nagsalita na kinagulat ko. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan ang kanyang sasabihin rather ang kanyang pagtawag niya sa akin.

“I-inaanak..”

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong I rereact, dahil sa pagka gulat ko, napatingin naman ako sa kanya, napatingin ako derikta sa mga mata niya, mga matang matagal ko nang hindi natitigan, isang pangugulila ang nakikita ko doon, pangungulila at kasiyahan. Matagal na ding panahon nung huli niya akong tinawag na ganun and I admit I miss this person who’s always there for me. My Ninang.

Bitter Mo Teh! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon