Chapter 23

458 16 14
                                        

Gypsy’ POV. 

“A-anong ginagawa mo dito?!” Biglang tanong ko sa kanya.

Tiningnan ko siya sa mga mata, hindi ko siya mabasa, at hindi ko talaga alam kung bakit siya nandito.

“Let’s talk.” Sabi niya sa akin habang nakatingin lang sa mga mata ko.

“Para saan?”

“Ahem, ayaw mo ba muna ako papasukin?” Biglang tanong niya sa akin at saka ngumiti.

“Psh, eh di pumasok ka.” Sabi ko sa kanya at saka tinalikuran siya, bahala siya jan, umupo nalang ako sa sofa.

Nakita ko naman siyang umupo sa harapan ko, magkaharap kaming dalawa ngayon, at nagtitigan lang ano to laro? Ang sinong unang magbitaw ng tingin ang talo? Tsk.

“Speak.” Sabi ko sa kanya.

Medyo kinakabahan ako sa sasabihin niya, ano na naman kaya ‘to.

“Anyway, did you get the origami rose?” Sabi niya na siyang kinagulat ko, so totoo? Sa kanya talaga yun? Pero bakit?

“Bakit?”

“Kasi, napansin ko na parang lumalayo ka ulit sa akin, diba sabi mo di ka aalis sa tabi ko?”

I smiled at him, akala ko naman kung ano ang sasabihin nito sa akin, mukhang dradramahan lang pala ako.

“Hey, galit ka ba?”

Umiling naman ako sa kanya at saka siya binigyan ng ngiti.

“No, hindi ako galit sayo, wala ka namang ginawang masama para magalit ako sayo eh.”

“But, I know something’s bothering you badz, tell me, ayaw ko kasi na ganitong feeling na parang ang layo mo sa akin yet nandito ka lang naman sa tabi ko.”

Medyo napatawa ako sa sinabi niya, parang kanta yun eh so close yet so far ba yun? Anyway, wala naman talagang problema sa amin eh, siguro ako lang yun? Siguro natakot lang ako na baka, baka dumating yung araw na bigla na lang niya akong iwan at hindi na muli pang kibuin.

“Hoy! Magsalita ka naman badz, para na akong tanga dito oh tsk.”

“Psh, atat ka talaga kahit kailan badz, saka wala naman tayong problema eh, kaya wag ka mag-alala ok? Diba sabi ko naman sayo? Hangga’t hindi mo pa ako pinapaalis sa buhay mo hindi ako aalis.”

Nakita ko naman siyang ngumiti, at saka tumayo, akala ko aalis na siya yun pala lumapit siya sa akin at niyakap.

LUBDUB…. LUBDUB….

At ito namang pasaway kong puso, para na namang may pyesta, ang lakas ng kabog ng dibdib ko, naririnig kaya niya?

Bitter Mo Teh! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon