[Maganda ang gising ko ngayon, syempre sino bang hindi gaganda kung excited ka sa kung anong mangyayari ngayong araw?
Naghanda na ako at saka bumaba para makapag breakfast. Akala ko maabutan ko na naman yung babaeng yun pero wala siya. Mabuti naman at baka masira pa yung napakagandang araw ko.
Binilisan ko na ang pagkain, at saka nagpahatid na sa driver namin papuntang eskwelahan.
Nang makarating ako sa eskwelahan ay tinawagan ko na si Mr. Perez bago tuluyang pumasok sa gate.
“Hello, Mr. Perez, nagawa mo na ba yung konting pabor ko sa’yo?”
“Y-yes Ms. Concepcion, Bago ko lang nasabi yung pinapagawa mo sa akin.”
“Good. Thank you again for coorperating, Mr. Perez. Hindi ka mag sisisi.”
Saka ko binaba yung phone at naglakad ulit papuntang room. Hah! Kala niya hindi ko din siya lalabanan? Sorry nalang siya, pero hindi ko papalagpasin yung ginawa niya sa akin kahapon.
Papalapit na ako sa room namin at nabigla ako sabay nagtaka kung bakit maraming tao. HINDI PALA TAO MARAMING BABAE. Ehh? Ano namang ginagawa ng mga impaktita dito sa room namin?
Lumapit pa ako ng kunti at saka narinig ko yung mga bulungan nila at yung iba nag sisigaw lang naman. Psh, kay aga aga lumalandi agad?
“Bakit kaya siya nandito?”
“OMG! Baka naman hinahanap niya ako?!”
“Nako kaloka, nandito na yung prince ko!”
“Princeee Nathan! I LOVE YOU!”
“AKIN KA LANG NATHAN!”
“TAYO NALANG NATHAN!”
“Nandito lang ako sa harapan mo Prince!”
Sa Totoo lang naiirita na ako sa mga mukhang hipon na nasa harapan ko. Maka sigaw wagas eh, saka sino ba yang Prince Nathan daw? Tss. Wala naman akong kaklase na Prince Nathan ang pangalan ah. Mga baliw siguro tong mga babaeng to, kay aga aga tinutopak.
Dahil nga hindi ako makadaan, sinigawan ko silang LAHAT.
“HOY KAYO NA NASA HARAPAN KO! PWEDI BA UMALIS KAYO SA DINADAANAN KO AT NANG MAKA PASOK AKO SA ROOM KO! O BAKA GUSTO NYONG PAALISIN KO KAYO LAHAT SA ESKWELAHAN NA’TO ORAMISMO, HABANG KINAKALADKAD YANG MGA BUHOK NYO?!”
Bigla silang napatigil at tumingin lahat sa akin. Yung iba nagulat samantalang yung iba naman natakot. Unti unti din sila umalis na walang imik. Psh. Buti naman at nang makapasok na ako sa room.
Pero laking gulat ko nang pumasok ako, isang hindi inaasahang tao ang nakita ko. Bigla akong napatigil saglit at tiningnan siya, bakit naman siya nandito? Ang alam ko hindi dito ang room niya.
“Oh, nagulat ka ata sa pagkikita natin, Ms. Concepcion?” Bigla siyang ngumiti habang sinasabi iyon sa akin.
“Tss, Why are you here? Ang alam ko hindi ito ang room mo.” Sabi ko sa kanya sabay ng pagkunoot ng noo ko at pagtaas ng kilay ko.
“Yes, you are right, but from now on. Dito na ako sa section na to papasok.” Sabi niya na nakangisi pa.
Pero kung nagulat ako nung nandito siya, mas nagulat ako sa sinabi niya. Ano daw? Dito na siya sa section namin Papasok?
What the heck?
“Oh, bakit natameme ka ata? Hindi ka ba makapaniwala na simula ngayon magkaklase na tayo?”
Hindi ako umimik at nakita kong tumayo siya papalakad sa harapan ko. Tiningnan ko ang mga mata niya habang papalapit siya sa kinatatayuan ko.
Bigla akong kinakabahan, may pa ngiti ngiti pa siya habang nasa harapan ko na siya..

BINABASA MO ANG
Bitter Mo Teh! #Wattys2017
Teen FictionShe's Bitter because of some reasons. She hate's her Sister because of what happened. And She hate the Word "LOVE" because for her, it never EXISTS and Will Never be. But what if her World will be going to turn upside down, is there any possibilitie...