Minsan sa buhay, hindi talaga natin maiiwasan ang makasakit at ang masaktan. Dadating at dadating tayo sa punto kung hindi man tayo yung nanakit, tayo yung masasaktan. Hindi man tayo ang kontrabida, tayo naman yung bidang walang humpay sa kakaiyak. Pero ang mundo ay umiikot. At kasabay ng pag-ikot nito ang pagbabago na possibleng magaganap sa isang tao.
Pag tayo ay nagmahal, walang kasiguraduhan na mahalin rin tayo ng taong minamahal natin. Walang kasiguraduhan na susuklian rin nya ng pagmamahal ang pagmamahal na ibinibigay nya sa atin. At walang kasiguraduhan na hindi ka masasaktan. Dahil kaagapay ng pagmamahal ang sakit na possibleng matatamasa ng isang taong nagmamahal. Isang taong ang ginawa lang ay magmahal ngunit hindi naman kayang suklian ng pagmamahal ng taong minamahal nya.
Pero sa bawat pagmamahal. Sa bawat sakit. Ay dadating ang pagbabago. Dadating ka sa punto na titigil ka at mapapaisip. Mapapagod ka at hihinto nalamang sa pagmamahal sa isang tao. Sa isang taong minsan mo na minahal ngunit hindi ka binibigyan ng importansya. Sa isang taong minsan mo na ibingay ang halos lahat-lahat pero parang kulang parin dahil hindi ka nya kayang mahalin pabalik. Kaya hihinto ka at magbabago. Magbabago hindi lamang para sa kanya kung hindi para sa'yo. Para sa ikakabuti mo.
"Dito nalamang ba matatapos ang lahat?" Tanong ng isang binata sa harap ng babaeng hanggang ngayon ay nakaratay pa rin.
"Dude, wag kang mawalan ng pag-asa.." Napatingin naman ang binata sa kaibigan at tumango. Tinapik nito ang kanyang balikat at saka bumalik ulit sa kanyang upuan.
Naalala na naman nya ang nangyari isang taon na ang nakakaraan. At hanggang ngayon ay masakit parin para sa kanya ang nangyari. Masakit parin sa kanya balikan ang nakaraan. Ang nakaraan nya at ang nakaraan ng babaeng mahal nya. Sobrang sakit.. Naalala pa nya ang lahat ng nangyari..
"Asan.. sya?" Biglang tanong nya sa limang lalaki na ngayon ay hindi mo maipinta ang kani-kanilang mukha. Biglang napatingin sa kanya ang isang lalaki. At bago pa man ito makapagsalita ulit ay bigla sya nitong sinungaban at binigyan ng isang suntok.
"Ano bang problema mo Pare?!" Galit na tanong nito sa kanya at akmang bibigyan din ito ng isang suntok ngunit piniglan sya ng isa pang lalaki at inawat silang dalawa.
"G*go! Nang dahil sa'yo nandito sya! Sinaktan mo syang P*tng*nang G*go ka!"
"Nathan, you don't know anything!" Bigla naman nito hinila ang polo nya at saka galit na tininingnan.
"Walang alam?! Eh P*t*ngina Ka talaga! Eh ano ang ibig sabihin nito! G*go!" At saka sinuntok na naman sya ng lalaki pagkatapos nito ihagis ang litrato nila ng isang babae habang hinalikan sya nito. At iyon din yung gabing.. nakita sya ng babaeng mahal nya. Ang babaeng natatangi lamang laman ng puso nya ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil bigla naman nya ito inagaw sa kanya.
"Ngayon.. ngayon sabihin mo sa aming hindi iyan ikaw! Dahil maliwanag pa sa sikat ng araw ang nasa litrato na iyan Shin! P*tang*ina! Sana kung hindi mo sya mahal sana man lang hindi mo na sya pinaasa pa! Sana hinayaan mo nalang sya sa akin!" Napatingin naman siya sa lalaki at nakita nya sa mga mata nito ang sakit at pangungulila.
Pero kung nasasaktan man ito ngayon ay mas higit na nasasaktan din sya sa pinagdadaanan nya-nila ng taong minamahal nya. Pinulot nya ang litrato at saka tiningnan at nilukot. Napakuyom sya ng kanyang kamao at saka napaupo nalamang sa may sahig. Hindi na nya maintindihan pa ang mga nangyayari. Lalo pa't nanganganib ang buhay ng babaeng minamahal nya.

BINABASA MO ANG
Bitter Mo Teh! #Wattys2017
Teen FictionShe's Bitter because of some reasons. She hate's her Sister because of what happened. And She hate the Word "LOVE" because for her, it never EXISTS and Will Never be. But what if her World will be going to turn upside down, is there any possibilitie...