Chapter 41

189 10 4
                                    

Gypsy’ POV.

Nagulat ako nang pagbukas na pagbukas ko sa pinto ay may biglang yumakap sa akin. Pero ang mas kinagulat ko ang kung sino ang yumakap sa akin habang basang basa siya. Tiningnan ko siya habang nakayakap pa rin sa akin, isang mahigpit na yakap at sa yakap na yun ramdam na ramdam ko yung basa niyang damit.

“Shin. . .” Mahinang tawag ko sa pangalan niya.

Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin, yun bang yakap na parang takot na takot siya at ayaw ka nang pakawalan.

“B-badz.. Badz..Ghad! How much you make me worried, I love you badz. .” Bigla niyang sabi sa akin habang hindi pa rin niya ako tinitingnan at nakayakap pa din siya sa akin.

Bigla akong napa stiff sa sinabi niya, Mahal niya ako? Kahit kailan hindi pa niya ako sinabihan nun, kaya nagulat talaga ako, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

“Badz..” Narinig kong tawag niya, kumawala na siya sa yakap ko ngayon, pero magkaharap na ang mukha naming dalawa, nakatinginan kaming dalawa mata sa mata.

“S-shin..”

“B-badz, a-ayos ka lang ba? ,,, Wala b-bang masakit sayo? I..i thought kung ano na ang nangyari sayo..” Hawak hawak niya ang dalawang kamay ko habang nagsasalita siya.

“Huh? S..shin ok lang ako,, at saka i-ikaw ano nangyari sayo? Bakit basang basa ka at bakit ka nandito sa school? Akala ko ba hindi ka makakapunta? Saka ano bang pumasok sa utak mo at nagpaulan ka ha?” Punong puno ng pag alalang tanong ko sa kanya.

“T-teka bago tayo mag-usap pumasok ka muna dito, tsk, ang lakas lakas ng ulan, magkakasakit ka nyan eh.” Sabi ko sa kanya at saka siya pinapasok sa secret room ng anim na nagwa gwapuhang nilalang.

Oo na inaamin ko gwapo na sila, tsk, pero ngayon lang at wala akong balak na aminin yun sa kanila dahil lalaki na naman ang mga ulo ng mga iyon.

“Brr.. Badz, bakit may ganito sa rooftop?” Biglang tanong niya sa akin, at mukhang sobrang giniginaw na siya, tsk sino ba naman kasing matinong nilalang ang lumusong sa ulan, tsk. Napapailing nalang ako.

Hindi ko na sinagot ang tanong niya, pinaupo ko nalang muna siya at saka hinanap ang limang nilalang na busy sa kanya kanya nilang kwarto.

Pinaupo ko na muna si Shin sa sala, dahil manghihiram muna ako ng damit sa mga lalaki dito, aba buti nalang at dito na ako tumuloy kung hindi, hindi ko pa malalaman na nag papaulan yung taong iyon at marami pa akong itatanong niya pagkatapos niyang mag bihis.

Alam kong natutulog na sina Max, Gelo at Harry kaya sina Steffan nalang at si Kris ang iistorbohin ko, kakatok na sana ako sa kwarto ni Steffan, pero may narinig akong maingay na parang may pinagtatalunan sa kwarto ni Kris which is katabi lang sa kwarto ni Steffan, pumunta naman ako dun at dahil hindi naman naka lock kaya unti unti ko nang binuksan ang pintuan.

“Aray ko naman Dude! Ang sakit mo din manapak ah! Manang mana ka talaga kay leader tsk!”  Rinig kong reklamo ni Steffan.

Bitter Mo Teh! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon