Chapter 30

475 13 0
                                        

Nathaniel’ POV.

“OK GUYS! LET’S HAVE 10 MIN. BREAK.” Sigaw ko sa team mates ko, we are having our training again.

Kailangan namin na mas mag focus sa practice, dahil malapit na ang competition laban sa school namin kaya halos araw-araw na din kami nag pra-practice. Ininom ko naman ang tubig na nagmumula sa dala dala kong tumbler.

“Are we still going to have practice leader? Mag gagabi na ah! Can’t we just call it a Day for all of us?” Tanong sa akin ni Gelo habang iniinom niya ang tubig na nagmumula sa Jag namin.

“Tsk, Gelo you know na kailangan natin ‘to, lalo na at malapit na ang competition natin sa ibang school, and we can’t afford to loose.”

“Pero kasi Leader, halos lagi nalang kasi tayo umuuwi ng 10 P.M at saka wala na ata tayong pahi pahinga, baka naman magkasakit lang tayo nito.”

Tama siya, halos palagi na kami nag pra-practice, dahil pagkatapos ng mga klase namin ay dumederitso na kami dito sa Gym para sa Training namin, at every Saturday at Sunday whole day kaming nag tre-training, nilingon ko naman ang mga Team Mates ko.

Pagod ang nakikita ko sa kanilang lahat, huminga muna ako ng malalim bago makapag decide, siguro tama nga si Gelo, siguro kahit ngayon gabi lang, para naman makapag pahinga kami, dahil maski naman ako pagod na din, mabuti na nga lang din at hindi kami pinasali ng mga proff namin sa paghahanda sa darating ng buwan ng Agosto.

Sa Buwan ng Agosto kung saan ang lahat ng estudyante dito ay nagbubunyi, dahil halos wala kaming pasok, literally wala talaga kaming pasok dahil boung buwan ng Agosoto may tinatawag kaming “August’s Month of Festival.”

Isang Festival kung saan nagkakaroon ng ibat ibang acitivities na sinasalihan ang bawat estudyante, at kasali na din ang “Sports Feast”, kung saan kami nabibilang ng mga ka teammates ko, may mga booths din at iba pa, at kada isang linggo iba’t iba ang mga ginagawa namin, sa madaling salita, buwan namin iyon para magsaya.

“Oh Leader ano na? Payag ka na ba?” Tanong sa akin ulit ni Gelo habang naka ngiti pa ito, na mukhang alam na pumapayag na ako sa suhestion niya kaya tumango nalang ako at kaninang nakangiti lang na Gelo ngayon Malapad nang Ngumisi ang loko loko.

“WHOO! YESSS! THANK YOU LEADER!!” Biglang sigaw niya kaya biglang napatingin sa gawi silang lahat, na parang nag tatanong kung anong meron kung bakit biglang sumigaw ang loko.

Kaya bago ko pa naman sabihin ay naunahan na niya ako, tumalikod siya sa akin at saka biglang sumigaw sa mg aka team mates namin. . .

“GUYS! LEADER SAID NA WALA NA DAW TAYONGG PRACTICE FOR TONIGHT KAYA! LET’S PARTEHH PARTEHH!”  Sigaw niya, at nagisitinginan naman ang sila sa isa’t isa at saka sumigaw.

“WHOOOO!! GREATTT!”

“SAAA WAKASSSS! MAKAKAUWI NA DINN!”

“PARTEH PARTEHH NA NGA!! HOOO!”

“SALAMATTT AT MAKAPAG PAHINGAAA DIN SA WAKAS!!”

Bitter Mo Teh! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon