Kakapasok ko pa lang sa eskwelahan, may naririnig na naman akong mga bulungan, sus ano pa bang bago?
Isang malaking WALA.
Marami lang talagang mga echoserong palaka at mga chismosang butiki sa mundong ito, ang tangi mo lang gawin ay hayaan nalang sila. Kasi kahit patayin mo man sila, hindi pa rin sila mauubos, sadyang yun na din ata ang kadikit ng buhay.
Life is so COMPLICATED nga diba?
Pero kahit ganun ka komplikado ang buhay, kailangan mo pa ding lumaban at wag hayaan ang mga taong sa paligid mo na tapakan ang pagktao mo, SILA ANG DAPAT MONG TAPAKAN!. Patunayan mo sa kanila na mali sila sa mga hinuhusga sayo.
Kaya ako? DEDMA. Pero pag sumobra na sila sasampulan ko na yang mga yan. Hindi naman kasi ako nagbabait baitan. I know how to fight back, pag alam kong kailangan ko nang lumaban.
Pero sa ngayon. Kailangan ko munang pumunta sa faculty para hanapin yung hinahanap ko. Malalaman ko na din kung ano ang dapat kong malaman tungkol sa kanya, kaya humanda sya sa akin.
#///#
3rd Person’ POV
Habang papalakad si Gypsy papuntang faculty room, kung saan doon nga nya mahahanap ang kanyang hinahanap na mga impormasyon. Hindi niya namamalayan na may isang tao na palang nakamasid sa kanya.
YES! Nakahanda na ang lalaking ito sa kanyang mga palano. Hindi naman gaano ka brutal, MILD lang. Hindi niya pweding palampasin ang ginawa sa kanya nung lalaki, nagalusan lang naman ang kanyang napakaGWAPONG mukha, ngunit hindi naman magagalusan kung hindi dahil sa BUNGANGERANG Babaeng nakasagutan niya kahapon.
Kaya doon sa bungagerang babaeng yun siya magsisimulang gumanti. Aba pinaghirapan kaya niyang alagaan ang kanyang napakaGWAPONG mukha, tapos ganun ganun nalang yun? NOWAY!
Susundan na sana niya yung babae, kilala niya yun, sino bang hindi makakilala sa anak ng may-ari ng pinapasukan niya? Pero bago pa man niya sundan ang babae, ay may humawak na sa braso niya..
“Hey! Nandito ka lang pala dude! Tawag na tayo ni Coach!”
“Aish, naman Steffan! hindi bang pweding mamaya nalang yan?”
“Pero, Captain, ikaw yung hinahanap ni Coach eh, hindi kasi makakapag simula kapag wala ka pa” Paliwanag ni Steff sa Captain nila habang napa hawak sa batok nito.
“Tsk.! Oo na, Wrong timing ka talaga kahit kailang Steffan Dela Cruz.!”
“Psh. Nathaniel Santos, Captain. Alam mo namang mahal ka namin diba? Kaya hindi kami makakapag simula pag wala ka.” Sabay ngiti ni Steffan kay Nathaniel.
Bigla namang nandiri si Nat sa kanyang narinig.
“Gago ka Steff! Gusto mo ba sukaan kita?! Kadiri yang pinagsasabi mo ah!”
Bigla namang inakbayan ni Steff si Nat at saka inaasar asar ang Captain nila, habang papunta silang Gym kung nasaan ang iba pa nilang Team Mates ng “Black Lion X”.

BINABASA MO ANG
Bitter Mo Teh! #Wattys2017
Teen FictionShe's Bitter because of some reasons. She hate's her Sister because of what happened. And She hate the Word "LOVE" because for her, it never EXISTS and Will Never be. But what if her World will be going to turn upside down, is there any possibilitie...