Gypsy’ POV.
Isang linggo na kaming hindi pumapasok ni Shin sa university, at halos araw araw ay lagi kaming magkasamang dalawa.
Sa bawat araw na magkasama kaming dalawa, sa bawat minuto na nasa tabi ko siya at sa bawat Segundo ay pinaramdam niya sa akin. . .pinaramdam niya kung paano magmahal ang isang Shin Alexander Ahkiro, ang isang taong minamahal ko dati pa, ang taong inaasam asam ko na sana ay mahalin din ako.
I never thought na dadating kami sa ganitong punto ng buhay namin. Sa kung saan nagkaroon din ng tinatawag na “Kami.”
Sa boung isang linggo na kasama ko siya, halos nawala sa isip ko yung dinadala kong problema. Hindi ko na naiisip yung mga pinagdadaanan ko, yung problema ko sa pamilya ko at sa past ko. Dahil sa kanya nawala sa isip ko ang mga dinadala kong problema at yung kaba na nararamdaman ko.
Hanggang ngayon ay nagpapadala pa din yung unkown messenger sa akin ng texts, thought hindi ko pa siya nasasabi kay Shin, dahil ayaw ko din naman na mag alala siya sa akin, tama na yung pinag-alala ko siya nung nakaraan. I just ignore those text messages na pinapadala sa akin nung unkown person.
“Nakatunganga ka na naman jan badz, are you even listening to me?” Napaangat ako ng mukha at saka siya tiningnan na nakatayo at seryosong naka tingin sa akin habang naka cross arms pa ito.
“Uhm.. O-oo naman, Diba nga you are talking about planning what to do for these coming sembreak?” Sabi ko sa kanya.
Nasa bahay lang kami ngayon ni Ninang, apparently wala si Ninang ngayon dahil may inaasikaso siyang trabaho, kaya kami lang ang naiwan dito. Almost a month na rin pala ako nakatira dito, at almost a month na din ako kinukulit ni Chris na umuwi, pero as I said nag decide na ako at pinaninindigan ko iyon.
Nung mga nakaraang araw ay binisita ulit ako ni Chris dito, and ghad! Parang siya yung matanda sa aming dalawa, dahil pinagalitan pa ako at sinermunan, at dahil kilala ko siya pag nagagalit ay tumahimik nalang ako, parang siya talaga yung nakakatanda sa aming dalawa.
“So, ano tuloy na ba tayo sa Tokyo badz? Agree ka ba sa plan ko?” Tanong niya sa akin bigla, he was talking about going to Tokyo this coming sembreak, para daw maiba naman, at saka gusto daw niya bisitahin yung Japan.
“Ok, matagal pa naman yan badz eh, pero syempre gusto ko yung Travel to Japan para sa darating na sembreak.” At saka ako ngumiti sa kanya.
Sa totoo lang medyo kinakabahan ako when it comes talking about that Sembreak thingy, hindi ko alam pero ang weird ng feeling, yung parang may mangyayaring hindi mo magugustuhan, pero ayaw ko naman I spoil yung moment ni Shin dahil kitang kita ko sa mukha niya yung excitement and happiness sa mga plano niya kaya hinayaan ko nalang siya and I just smile in every plan made for the both of us.
Though matagal pa ung Sembreak, nasa August palang kami ngayon and October pa ang Sembreak, pero excited na excited si Shin, pero diba may kasabihan na pag nag plan ka daw ng isang bagay may instances na hindi ito matuloy.
Pero matutuloy naman siguro ‘to.
“Basta badz ha, it’s final, sa sembreak sa japan tayo, 1 week din iyon, and I’m sure na magiging masaya yung boung sembreak natin.” I saw his smile, kaya tumango ako at saka ngumiti na din.
BINABASA MO ANG
Bitter Mo Teh! #Wattys2017
Teen FictionShe's Bitter because of some reasons. She hate's her Sister because of what happened. And She hate the Word "LOVE" because for her, it never EXISTS and Will Never be. But what if her World will be going to turn upside down, is there any possibilitie...