Chapter 44

181 10 0
                                    

Gypsy' POV.

"What are you doing here?!"

Ulit na tanong niya sa akin.

Ramdam na ramdam ko yung galit niya, tiningnan niya ako mata sa mata. Puno siya ng galit at kasuklaman sa akin, ramdam ko kung gaano niyang kaayaw sa akin. Kung gaano siya nandidiri sa sarili niyang anak.

"Psh. Paki alam mo?" Sagot ko sa kanya.

Sa oras na nakita ko siya, sa oras na nagkaharap ulit kami, at sa oras na tinanong niya ako kanina, lahat..lahat ng naramdaman ko .. yung sakit..lungkot..galit..lahat ng yun biglang bumalik.

Sa isang iglap lang, lahat ng naramdaman ko years ago, they all come back just like a flash in the air. Lahat ng sakit na tinago ko years ago biglag bumabalik.

I just stared at him. I closed my fist in anger. Galit. Yun ang isa sa mga nararamdaman ko habang nakatingin sa kanya. I hate him for a long time.

"Sumasagot ka na ngayon?! Ganyan ba ang nakukuha mo sa paglalayas ha?! At bakit ka pa bumalik dito young lady?! Simula nung tinalikuran mo kami, wala ka nang karapatang tumungtong sa pamamahay na ito!"

"DAD!" Bigla akong napatingin sa sumigaw, nasa tabi na pala niya.

Ang isa pang taong ayaw ko makita. Oh great! Just Great! Nagharap harap kami ngayon, for a long time, ano to reunion?!

"Huwag ka maki alam dito Crystal, kami lang ang nag-uusap dito." Sabi niya sa babaeng kaharap na niya ngayon.

"But Dad! Please naman oh! Wag mo naman ganyanin si Ate, she is still your daughter!" Sigaw niya dito.

"Wala akong anak na mamatay tao." Saka siya humarap sa akin at binigyan ako ng masamang tingin.

Napa smirk ako sa sinabi niya at saka sila tiningnan dalawa, ang dalawang taong naging dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Ang dalawang taong naging dahilan kung bakit ako nag bago at nag-iba.

"Dad! Alam mong hindi totoo yan, lahat ng iyon Aksidente lang!"

"Huwag mong pagtakpan ang kapatid mo Cyrstal! Dahil hindi nangyari ang lahat ng iyon kung hindi siya nagpabaya!!" Sigaw niya sa amin, at saka niya ulit ako sasampalin ulit, pero nahawakan ko yung kamay niya.

Tiningnan ko ng masama yung babaeng kausap niya, I still can't say her name, dahil kahit kailan ayaw na ayaw ko pa din sa kanya. At saka ko naman tiningnan ang tinuturing naming ama. Tiningnan ko siya ng punong puno ng disappointments. Punong puno ng sakit at galit at saka ako nagbitaw ng mga salita sa kaniya at sa kanila.

"HAH! AKO MAMATAY TAO?! YEAH RIGHT!... YOU ARE DAMN RIGHT DAD!!! SIGURO NGA..SIGURO NGA AKO ANG PUMATAY SA KANYA! DAHIL ANG GINAWA KO LANG NAMAN AY ANG BANTAYAN SILA! PERO SINO BA..SINO BA ANG KASA-KASAMA NIYA HABANG NAGLALARO SILANG DALAWA?! SINO BA ANG TAONG KASAMA NIYA HABANG NAGKAKATUWAAN SILA SA PINAG GAGAWA NILA?! HINDI BA SIYA?!"

At saka ko tinuro ang katabi niyang umiiyak na. Pero I don't hella care kung ano man ang nararamdaman niya, dahil kulang pa ang sakit na naramdaman ko sa mga panahong nangyari ang mga yun. Napakuyom ang isang kamao ko habang naka turo sa kanya. At saka nagsalita ulit.

"AT NASAN KAYO SA MGA PANAHONG IYON DAD?!! WHERE THE HELL ARE YOU TO THOSE DAYS NA NANGYARI ANG LAHAT LAHAT NG IYON?! NASA OSPITAL? BUSY?..BUSY SA IBANG TAONG MAY SAKIT.? BUSY DUGTUNGAN ANG IBANG TAONG MALAPIT NANG MAMATAY?!"

Magsasalita na sana siya pero pinutol ko ulit. Dahil gustong gusto ko ilabas ang lahat.. ang lahat lahat ng sama ng loob na nakatago lang sa puso ko. Gusto kong ilabas lahat ng sakit at galit sa kanila-sa kanya.

Bitter Mo Teh! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon