Chapter 13

560 22 5
                                    

“Ate, Asan ka na?”

Bungad na tanong agad ang narinig ko mula sa kabilang linya mula sa kapatid kong si Chris.

“Chris, papunta na ako medyo traffic lang talaga kaya baka mga less 30 min pa siguro ako makarating jan.”

“Pero pupunta ka diba? Hihintayin ka namin dito Ate.”

Gustuhin ko mang hindi pumunta pero nakapangako na ako sa kanya, ayaw ko lang na malungkot si Chris, kaya kahit napipilitan ako pumayag na ako sa gusto niya.

“Oo. Ahh, sige na Chris tawagan nalang kita ulit mamaya ok?”

Binaba ko na ang tawag, bago pa man makapag paalam sa akin si Chris. Bakit ba kailangan pa talaga kami kompleto na pumunta sa airport para lang sunduin sila? Pwedi naman na yung driver nalang namin ang sumundo sa kanila.

Nakakainis pa at traffic kaya mukhang matatagalan talaga bago ako makarating sa airport. Kailangan ko dumating dun before they arrive first, dahil pag hindi nangyari yun papagalitan na naman ako as what they always do.

“Manong, Can you find a way or a shortcut nalang na wala masyadong traffic? Kasi baka hindi tayo makaabot sa airport sa tamang oras, sige ka mawawalan ka ng trabaho.”  I fake a smile sa Driver namin, medyo natakot naman sya kaya tumango siya at saka naghanap ng bagong daanan papuntang airport.

Tiningnan ko ang oras na nasa phone ko 4:35 na pala ng hapon and I have to be there before 5. Dahil naiinip ako naglalaro nalang ako ng Zombie Tsunami sa phone ko, ang cute ng Zombies eh purely green pa talaga, bakit ba green ang zombie? Diba brown ata yun or something? How come nag conclude sila na green?

Ito talaga ang ginagawa ko pag naiinip ako, naglalaro sa phone ko o di kaya ay nakikinig ng kanta sa ipod ko, minsan nagbabasa ako ng libro pero rare lang, kumbaga hindi ako masyado mahilig sa libro pero pag bored ako at gusto kong magbasa ginagawa ko na lang, ang gulo ko din noh? Oh well ganun talaga pag maganda magulo. Kahit ang buhay magulo naman talaga pero kahit  gaano pa kagulo ang mundo, maganda pa din naman ako psh.

“Ms. Gypsy nandito na po tayo.” Rinig kong biglang nagsalita yung driver namin kaya napa angat ako ng tingin at tiningnan ang labas ng binata ng sasakayan. Mukhang nandito na nga kami sa Airport tsk.

Bumaba nalang ako at saka pumasok sa Arrival Area ng International Airport. Tiningnan ko ang relo ko at hindi ako pweding maglakad ng mabagal dahil malapit na ang alas sinko! At ang nakakainis pa hindi ko alam kung saan dito naghihintay si Chris, mukhang hahanapin ko pa ata sila at 10 min nalang before 5! Syett..!!

Hindi na ako nag isip pa at lakad-takbo na ata ginagawa ko hanggang sa mapagod ako, lumilingon ako pero hindi ko pa din sila nakikita.

Nak ng!—

“ARAY!” Bigla akong napatingin sa taong nakabangaan ko, na nakayuko dahil nauntog lang naman ang mga ulo namin! Tiningnan ko siya ng masama nang maka angat na ang ulo niya at tiningnan ako.

“ Are you blind para hindi ako makita MR?!” Sigaw ko sa kanya habang tinitingnan pa rin siya ng masama. Bigla naman siyang nagulat nung sinabi ko yun! HUH! Akala naman niya kung sino siyang-

Bitter Mo Teh! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon