Chapter 8

579 24 3
                                    

“Nurse Liz, Ok na po ba yung braso ni Gypsy?” Kanina pa niya pa ulit ulit na tinanong sa Nurse, at nandito pa nga kami sa Clinic habang hinihintay yung Driver nila. Kakatapos lang din lagyan ng ointment ang braso ko. Medyo namamaga na nga siya.

“Pwedi ba Shin, umupo ka nga muna, kanina pa ako nahihilo sa’yo eh.”

Tiningnan lang niya ako ng masama. Ok tatahimik na psh.

“Ok na siya Mr. ahkiro, wag lang muna siya masyadong magkikilos, kasi hindi pa nawawala yung pamamaga sa braso nya.”

Tumango tango naman si Shin. Tapos tiningnan niya ako at yung braso ko na namamaga.

“Ok, Tara na Badz, nag txt na si Manong nasa labas na raw siya eh.” Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at saka naman niya ako inalalayan.

“Oh, dahan dahan lang badz,” Inalalayan ako ni Shin papuntang Kotse nila at saka kami umupo sa may likuran. Yes. Magkatabi kami sa likuran, saka on going na kami sa bahay nila, nakita ko namang kinuha ni Shin yung earphone niya at saka binigay sa akin yung isa at saka siya ngumiti.

“Hmm, badz?”

“Oh? Bakit badz? May masakit ba sayo?” Umiling ako bilang sagot sa tanong niya.

“Ahm, Bakit ang bait mo pa din sa akin?” Tiningnan ko siya sa mga mata niya habang tinatanong yun sa kanya, habang nakikinig pa rin kaming dalawa ng music.

“Uhm, dahil bestfriend kita.”

“Yeah, bestfriend.”  Masakit pa din pala marinig yun, kahit pala ilang linggo na ang nakakaraan masakit pa din pala.

Pinikit ko nalang ang mga mata ko, ayaw ko umiyak. Ayaw kong makita niya akong umiiyak, at lalong ayaw ko dumating sa puntong mag mamakaawa ako para ibigin niya lang.

Tama na, Pero kahit anong pigil, lalong nagiging masakit lang, lalo na pag ang katotohanan ang humarap sayo. Hindi ko din alam kung paano to pigilan, dahil pag sinusubukan kong pigilan tong naramdaman ko sa kanya, mas lalo lang akong nagkakagusto sa kanya.

How pathetic life is. Sa sariling bestfriend pa ako natamaan ng ganito.

Naramdaman kong palapit si Shin sa akin, saka naramdaman ko ang ulo niya sa balikat ko. Bakit Shin? Bakit mo ko pinapahirapan.?

“Badz, sorry if nasasaktan man kita ngayon, balang araw mapapalitan ko din yan ng saya afhawfgjsgfjka.”

Yun ang huli kong rinig sa kanya sa boung biyahe maliban dun sa pinaka huli niyang sinabi na hindi ko marinig o sinadya niyang hindi iparinig sa akin, at pagkatapos nun hindi na siya nagsalita pa. Wala nang nagsalita sa aming dalawa hanggang sa makarating kami sa bahay nila.

~Ahkiro’s Residence.

 

Bitter Mo Teh! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon