Chapter 3

873 26 15
                                    

6:30 A.M

*Rrrrriiiinggggg!* *Rrrrriiiinggggg!* *Rrrrriiiinggggg!*

“ANO BA ANG INGAY!!” Pilit kong inaabot kung ano man yung ma ingay na bagay habang nakapikit. At nang makuha ko na yun bigla kong tinapon sa kung saan.

Narinig kong nabasag yung bagay na yun pero wala akong pakialam ang mahalaga ayaw ko naiistorbo ako sa pagkakatulog ko. Mahimbing pa rin akong natutulog habang yakap yakap ko yung unan ko.

*Knock* *Knock* *Knock*

Sunod na sunod na katok ang naririnig ko kaya mas lalo akong nainis. Umupo ako sa kama ko at saka hinanap ko yung alarm clock ko na nakalagay sa bedside table ko para alamin kung anong oras na. Pero hindi ko makita, hanggang sa naalala kong may tinapon akong bagay sa kung saan, ilang alarm clock na ba ang natatapon ko sa kung saan saan sa loob ng kwarto ko? Tsk bibili na naman ako nito.

*Knock* *Knock* *Knock*

“TEKA LANG!” Aish! Nagmamadali lang ang peg? Tumayo na ako at saka pumunta sa may pintuan at pagbuksan ang kung sino mang walangya na sumagabal sa tulog ko! Binubuksan ko na at nakita ko ang taong ayaw ko makita Aish.

Napakunot nalang ang noo ko nang makita ko siya sa harapan ko. Ano na naman bang kailangan niya?

Isasarado ko na sana ulit ang pinutan, pero nagsalita siya.

“A-ate..  Kain na tayo.”

Tiningnan ko lang siya na walang emosyon. At saka sinaraduhan ko siya ng pinto.

Wala akong paki alam sa kanya. Bakit ba siya pa yung kumatok? Bakit hindi nalang yung ibang maid ang inutusan? Psh. Papansin ei.

Tiningnan ko kung anong oras na sa cellphone ko. Malapit na pala mag 7 kaya pumunta na ako ng banyo para maligo at makapag handa nang pumasok. Sa totoo lang wala akong ganang pumasok, pero pag hindi naman ako papasok alam kong maiinis lang ako dito sa bahay lalo na at pag anjan yung babaeng yun.

Kaya wala pa din akong choice kungdi ang pumasok.

Matapos ng mahabang habang prusisyon ko natapos na din ako sa paghahanda at saka ako bumaba, papunta na sana ako sa dining area para kumain ng. .

“Kuya.. Si ate ayaw pa rin akong kausapin.”

“Bunso, hayaan mo na muna si Ate, she needs time”

“Pero..

Nakikinig lang ako sa kanilang dalawa. Kami nalang kasing tatlo ang nandito sa bahay maliban sa driver namin at sa mga katulong, dahil sa sobrang busy ng mga magulang namin, kami nalang ang halos nandito sa bahay.

“A-ate..”

Napatingin ako sa banda niya. Sa taong lalim ang pagkairita at pagkainis ko lalo na ang sobrang galit na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya.

Hindi ko kailan man makakalimutan…

“Ate, halika na kumain ka muna.” Sabi ni Chris habang nakangiti.

“Sige. Mauna na ako Chris baka malate na ako ei.. At saka… -

Tiningnan ko ang babaeng yun sa mga mata niya..

“Nawalan na din ako ng gana.”

Tinalikuran ko na sila at saka ako nagtungo sa kotse kung nasaan yung driver namin at nagpahatid na ako sa paaralan.

Hindi ko kailanman masisikmura na nandito ang babaeng yun, maski bangitin ang pangalan niya ay hindi ko magawa.

Lalo na ang marinig ang pangalan niya. Naiirita ako.

Bitter Mo Teh! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon