Gypsy’ POV
“Saan ba talaga tayo pupunta Badz?” Tanong ko na naman sa kanya.
Almost 30 minutes na kami sa kotse niya, at ilang ulit ko na din siya tinatanong kung saan ba talaga ang destinasyon naming dalawa. Pero ayaw niya talagang mag salita! Ang sarap lang batukan nitong lalaking ito eh! Paulit ulit ko na siya tinatanong, nasa bahay pa lang kami ni Ninang tinatanong ko na siya pero lagi niya sinasabing “Basta.” Aysh may Lugar ba na “BASTA??”
Ang sarap na ng tulog ko kanina pero dahil dito ginising niya ako? Nako pag hindi talaga ito worth it makakatikim talaga ito sa akin ng sapak! Mabuti nalang at sabado ngayon kaya wala kaming pasok. Hindi rin naman ako handa pa na pumasok sa ngayon.
“Sa wakas, nandito na rin tayo.” Rinig kong sabi ni Shin.
Napatingin naman ako sa labas, nasaan ba kami? Tiningnan ko si Shin na may pagtataka.
“Nasaan tayo?”
“Lumabas na tayo para malaman mo.” And he smirk, saka niya binuksan yung pintuan at naunang lumabas sa akin.
Nang naka baba na ako, tiningnan ko ang paligid, na siyang kinagulat ko, bakit kami nandito? Ano ba talaga iniisip ni Shin.
“Badz, halika na.”
Tiningnan ko naman siya na kinuha ang isang basket mula sa driver niya, at saka isang guitara.
“Anong g-gagawin natin dito badz?”
“Ano ba sa tingin mo?”
Sabi niya at saka niya sinimulan ang paglapag ng blanket at nilagay ang guitara at saka ang basket na dala dala niya. Habang nakatayo pa rin ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin. Ano pa talaga iniisip ni Shin? Bakit sa lahat ng lugar dito pa niya talagang naisipan na pumunta.
“Hey! Tatayo ka lang ba jan?”
Tiningnan ko lang siya, hindi ko alam kung anong meron, pero ayaw ko dito, sa lahat ng lugar na ayaw ko puntahan, isa na ang lugar na ito, ang lugar kung saan nagsimula ang lahat.
Halos mga limang minuto ata kaming nagkatinginan lang, parang hinihintay niya ako na umupo rin sa Blanket na nilapag niya, gusto ko na sanang umalis pero nagdadalawang isip ako, alam ko naman kasi na ginawa lang ito ni Shin dahil gusto niya kaming mag “Bond” dahil na rin sa ilang araw na hindi namin pag-uusap.
“Badz? May problema ba?”
Oo. ayaw ko sa lugar na ito, gusto ko sanang sabihin sa kaniya, pero alam ko namang alam na niya kna ayaw ko dito. Imbis na sabihin ko sa kanya yun iba ang lumabas sa bibig ko.
“Bakit tayo nandito?”
Nakita kong parang napa buntong hininga ata siya, at saka siya tumayo at lumapit sa akin.
BINABASA MO ANG
Bitter Mo Teh! #Wattys2017
Teen FictionShe's Bitter because of some reasons. She hate's her Sister because of what happened. And She hate the Word "LOVE" because for her, it never EXISTS and Will Never be. But what if her World will be going to turn upside down, is there any possibilitie...
