Gypsy’ POV.
“Ok ka lang ba talaga Baliw?!” ika sampung ulit na atang pagtatanong sa akin ni Nathaniel, tiningnan ko naman siya ng masama.
“Pa ulit ulit? Nasagot ko na yan kanina pa ah.” Sabi ko sa kanya na masamang nakatingin sa kanya.
Gabi na at nandito pa din ako sa lugar kung saan kami nakaupo ni Shin kanina, kung saan naiwan akong mag-isa dito rather nagpaiwan nung iuwi na sana niya ako kanina.
“Naninigurado lang ako, baka kasi maisipan mong tumalon jan sa dagat eh,.” Pabiro pa niyang sabi.
“loko, anong akala mo sa akin baliw?” Paasik na tanong ko sa kanya.
“Hmm, OO baliw ka naman talaga, baliw.” Sabi pa niya at saka pa tango tango pa ang loko na parang tama yung mga pinagsasabi niya. Tsk.
Halos magda dalawang oras na kaming magkasama ni Nathaniel dito, nagulat nga ako kanina nang may biglang lumapit sa akin at saka nag offer ng hanky at nang tingnan ko kung sino siya pala yun.
Hindi ko pa kinuha yung hanky na inoffer niya sa akin kanina kaya nabigla ako sa ginawa niya. Dahil mismong siya ang nag punas sa mga luha ko, mga luhang hindi ko mapigilan sa pagtulo.
Tinanong pa niya kung ano ang nangyari sa akin at para daw akong baliw na umiiyak na mag-isa. Loko talaga yun, I know that he just want to make me laugh, pero wala eh, kahit anong gawin niya hindi pa rin ako tumawa, its not because fail yung mga ginagawa niyang pagpapatawa, sadyang ayaw lang makipag cooperate ng emotions ko.
Parang may sarili silang mundo at kahit na gusto kong tumawa, gusto kong mapalagapak sa kakatawa pero hindi ok magawa gawa, dahil magmumukha lang akong timang pag pinilit kong tumawa na alam ko namang hindi naman talaga ako natatawa.
“You know what, namiss kita.” Out of sudden bigla niyang nasabi mo iyon, at alam kong tama ang pagkarinig ko lalo na at malapit lang kami sa isa’t isa.
Namiss niya ako?
Napalingon naman ako sa kanya na siyang dahilan ng pagtama ng mga mata namin, nakatingin pala siya sa akin. Napangiti naman ako sa kanya at hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko sa mga oras na ‘to.
Out of sudden bigla ko nalang inalis ang pagkakatingin ko sa kanya, kanina pa din niya ako sinasamahan dito, dahil takot daw siya na ba may mabalitaan nalang kinabukasan na may tumalon sa dagat, oh diba? Baliw lang tsk.
Tiningnan niya ako ng nakangiti, at saka tinanong kung ano ba raw ang nangyari sa akin, na para daw akong namatayan, at oo namatayan ako, namatayan ng pagkatao, medyo mabigat pa din yung pakiramdam ko kanina.
“Namiss mo ko?” Tanong ko bigla sa kaniya, gusto ko lang siyang asarin.
“Tssk, isa ka din pala eh, paulit ulit din, hmp.” Dahil sa ginawa niya medyo napa chuckle ako at saka ngumitim isang ngiting hindi bou, yun bang parang half smile lang.

BINABASA MO ANG
Bitter Mo Teh! #Wattys2017
Novela JuvenilShe's Bitter because of some reasons. She hate's her Sister because of what happened. And She hate the Word "LOVE" because for her, it never EXISTS and Will Never be. But what if her World will be going to turn upside down, is there any possibilitie...