Chapter 43

164 11 0
                                    

Kris’ POV.

Pinapanood ko lang silang lima habang nag pra-practice ang mga loko loko at seryosong seryoso pa sila habang nag pe-perform dito sa music room.

Nandito kaming anim ngayon sa Bahay ni Niel or Nathaniel, kanina pa sila nag practice para sa kakantahin nila bukas, and yes bukas na ang Event ng contest, sobrang bilis ng araw parang kailan lang nung huli kaming nag laro ng basketball para sa championship at nanalo, at ngayon mag pe-perform na naman sila para bukas, at alam kong mananalo sila, no doubt naman ako dun.

“Whoo, leader! Pweding pahinga muna tayo? Kapagod din palang mag Drum.” Si Gelo yun, wala namang ibang mag rereklamo, though same lang sila ni Steffan.

Si Gelo ang drummer nila, magaling naman talaga siya kahit dati pa, si Max and Harry naman ang nag gi-gitara at dalawa naman ang vocalist, si Steffan at Nathaniel, magaling naman silang kumanta eh, kaya bagay na bagay sa kanila yung role sa banda nila.

“Tsk, last practice na bago tayo magpahinga dahil baka tuluyan na tayo makapag pahinga later..” At saka binigyan ni Niel ng makahulugang tingin si Gelo, tumango nalang ito kay Niel dahil wala naman sila magagawa sa desisyon nito.

Nag practice naman sila ulit, maganda naman yung pinili nilang kanta, actually dalawa ang kakantahin nila, at pagkatapos nilang mag practice ay saka sila umalis sa may stage, may stage kasi kung saan sila nag pe-perform kanina.

“Dude, wala ka ba talagang balak na sumali?” Biglang tanong sa akin ni Steffan na tumabi pa talaga sa akin. Mukhang kukulitin na naman ako nito.

“Wala Dude, at saka pang ilang ulit mo na ba akong tinanong nyan?”

“Baka lang kasi magbago yung isip mo, you now that you can always back in the band.” Napangiti nalang ako sa sinabi niya.

Kung ilang beses na niya akong tinanong ay syang ilang beses na din niya sinabi iyon sa akin. Kasali naman talaga ako sa band nila, I’m actually the pianist of the group, yun na kasi talaga ang kinahihiligan ko, but then, ayaw ko lang talaga muna sumali sa ngayon.

“Dude wag mo na pilitin iyan si Kris, saka may iba pa namang mga contest na pwedi siya sumali ulit sa atin diba?” Sabi naman agad ni Gelo habang lumapit pa kai Steffan at saka ito inakbayan.

“Tsk, dude alisin mo nga yang pagkakaakbay mo sa akin dahil baka maraming iiyak na babae.”

Bigla naman siya sinuntok sa balikat ni Gelo.

“Loko! Feeling mo naman papatol ako sayo! Kadiri ka dude! Saka baka mas maraming iiyak sa akin na babae pag na mis interpret sila noh!”

Napapailing nalang ako sa kanilang dalawa dahil nag-aasaran na naman sila, pero ewan ko ba at natatawa nalang ako sa kanila dahil kung makapag asaran wala ng bukas pero pagdating naman sa babae magkasundong magkasundo sila.

Pag talaga magkasama ang dalawang playboy tsk.

Bitter Mo Teh! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon