Chapter 14

540 20 3
                                        

Nang marinig ko ang boses niya, hindi ko alam ang gagawin ko kung tatakbo ba ako o kung magkukunwaring hindi siya narinig. Pero ang ginawa ko lang ay tumayo, hindi ako makagalaw dahil nanigas ang boung katawan ko nang marinig ko ang boses nya.

“Gypsy..”

Naramdaman kong binitiwan niya ako mula sa pagkakahawak niya sa akin. Pero akala ko ay aalis na siya…

“Please Lets talk.”

“Pagod ako, pwedi bukas nalang?” Pilit kong umaktong ok lang nang humarap siya sa akin. Kahit hindi ako ok ayaw kong ipahalata yun sa kanya.

“Aalam kong hindi ka ok, kaya tara na.”

Bigla naman napakunot ang noo ko sa ginawa niyang paghawak sa kamay ko pero inalis ko lang yun na siyang kinagulat niya at saka ko siya tinalikuran . . .

“Please iwan mo muna ako Shin.”

“Iwan? Iniiwasan mo ba ako?! Ay hindi Bakit mo ba ako iniiwasan badz?!”  Ramdam ko ang galit at pagtatampo sa bawat salita na binitiwan niya sa akin. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya kasi totoo naman, totoong iniiwasan ko siya at ilang linggo na rin ang nakakaraan.

“Ano bang nagawa kong mali? Sabihin mo naman sa akin badz! Wag yung ganito.”

Tiningnan ko lang siya na ngayon ay nasa harapan ko na habang tahimik pa rin ako, ayaw ko siyang kausapin kaya tumalikod na ako at handa nang umalis sa harapan niya. Tama naman ang ginagawa ko diba? Para rin naman sa akin ‘to. Selfish na kung Selfish pero ayaw kong masaktan.

Kaya ito lang alam kong gawin..

“BADZ!!” Again hinawakan na naman niya yung kamay ko at hinarap ako sa kanya saka siya lumuhod na kinagulat ko.

“Hoy! Bakit ka naka luhod?!”

“Kausapin mo na kasi ako badz, ayaw ko na nang ganito.”

“Pwedi ba Shin, tumayo ka nga!”

Nakakainis, medyo nakakaagaw na kami ng atensyon dito sa park! Aish!

“Tatayo lang ako pag hindi mo na ako iiwasan at makikipag-usap ka na sa akin.”

Tsk. Talagang nang blackmail pa ang loko! Nakakainis naman tong lalaking ‘to. Iniiwasan ko na nga sya para hindi ako masaktan pero heto at lumuhod pa para hindi ko na daw siya iwasan at worst mag-uusap pa kami! Tungkol saan naman kaya ang pag-uusapan namin? Tsk. Sakit sa bangs!

“Shin, can you stand up already? Please naman oh, pinag titinginan na tayo dito.”

Napatingin naman ako sa mga taong walang magawa kungdi tingnan kami, may nakita pa akong may nagbubulungan tsk. nahiya naman ako sa mga yun, meron pang tinitigan kami at nakikiusyuso marami talang chismosa haist.

“No. Not until na pumayag ka.”

Sigh. Matigas talaga ang ulo ng lalaking to, ang sarap iuntog sa kahoy.

“Ok FINE! Tumayo ka lang jan! AIsh!” Saka ko pilit na inalis yung pagkakahawak niya sa kamay ko. Pero kahit anong gawin kong alisin ang pagkakahawak niya sa kamay ko ay mas humigpit pa ang pagkakahawak niya sa akin na parang takot maiwanan.

Shin bakit ka ba ganito? Manhid ka ba kaya hindi mo alam kung bakit ako umiiwas sayo? Ganyan ba katigas ang puso mo para hindi mo maramdaman kung bakit hindi kita pinapansin. Gusto ko mang sabihin ‘to sa kaniya hindi ko magawa.

“Shin, umupo na muna tayo.”

Hindi ko alam kung paanong nangyari, parang ang bilis, bigla ko nalang naramdaman na nakayakap na siya sa akin. Hindi ko na talaga maintindihan kung ano ang nangyayari, bakit nagkakaganito siya? Bakit bigla nalang niya ako niyayakap.

Bitter Mo Teh! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon