Episode 14: Confronting the Past (Part 3)

285 7 5
                                    

St. Luke's Hospital.
Private ICU Room.
10:30pm.

Alas diyes y media na ng gabi ngunit hindi parin dinadalaw ng antok si Xander. Kasama na niya ngayon na nagbabantay sa mag-iina si Nanay Charito na ihinatid kanina nila Candy at Andrew galing sa Laguna. Tulad niya'y labis narin ang pag-aalala nito. Lalo pa ngayon at pare-parehas nilang pinagsususpetsahan na may kinalaman nga ang sumpa sa nangyayari.

Sa bawat oras na itinatagal na nahihimlay sa mahabang tulog ang kanyang mag-anak ay lalo ring tumitindi ang pagkabagabag ng kanyang puso. Under non-traumatic coma ito parehas at ngayo'y napalipat na sa ICU. Ang sanhi? Wala paring makapagsabi. Kahit sa CT Scan ay hindi maipaliwanag ng mga doktor ang resulta nitong halos wala namang mali. Kahit si Zion na lumaban nang matagal sa impeksyon sa dugo ay hindi rin makitaan ng ganitong sakit sa pagkakataong ito. Para lang talagang naghihintay sa mahimbing na tulog ang mag-ina niyang sabay na kinabitan ng monitor.

Pero dito siya nababahala. Sa bawat oras din kasi na lumalagi sina Cathy at Zion sa coma ay lalong bumababa ang tiyansa ng mga ito na magising pa. Kung hindi nga manunumbalik ang ulirat ng mag-ina sa loob ng 72 oras ay malaki na ang tiyansa na masira nang tuluyan ang takbo ng utak ng mga ito o di kaya'y mas malala pa roo'y maaaring parehas na itong masadlak sa vegetative state.

Hawak-hawak niya noon ang kamay ni Cathy at himas-himas sa pagitan ng kanyang mga palad. Kanina pa niya ito kinakausap at sinusubukan na gisingin katulad ng ginawa niya sa panganay niya kanina.

"Love... I'm right here. Can you hear me?" Usap niya ritong mahina. "I told you not to go too far. Where have you gone? Hm? Come back to me... please. I'm right here waiting."

"... I already talked to the interior designer for Zia's room. Diba gusto mo ng light pink and beige?"

"... Ma? C'mon, wake up, my love. I'm really scared."

Hinagkan niya ang dulo ng mga daliri nito't saka ibinaba muli sa kumot bago inihilig ang kanyang ulo sa tuktok. Wala paring senyales. Ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata't sa gilid ng nakahigang esposa ay doon niya ipinahinga ang sarili. Marahil sa ganoong paraan ay makalimutan niya panandalian ang sitwasyon at dalhin siya ng isip sa masasayang araw na sila'y sama-sama.

Kaunting oras lang naman siya napapikit ngunit pagmulat ng pares niya'y iba na ang kanyang paligid. Nagtapuan nalang niya ang sarili sa ituktok ng bundok kung saa'y natatanaw sa malayo ang kaunting liwanag ng bayan sa ibaba. Gabi parin noon ngunit umuulan na. Nakasilong naman siya sa ilalim ng puno ng akasya pero unti-unti'y inabot ng tikatik ng tubig ang suot niyang polo. Sandali... ano ba ito? Nasaan siya?

Maya-maya pa'y bigla nalang niyang nakita si Cathy na tumatakbong papalapit sa kanya at may dala-dalang kahon na kahoy. Basang-basa ito pati ang suot na bestida na hanggang lupa ang nanlilimahid na laylayan. Iika-ika pa ang misis na para bang nadapa at hindi makalakad nang maayos.

"What happened to you?!" Agad niyang tanong sa babae.

Pero hindi siya nito pinansin. Bagkus ay nagkandarapa ito sa pagluhod at kumuha ng sangang putol saka ito nagumpisang magkakalkal ng lupa malapit sa ugat. Wala itong pakialam sa kanya at para talaga siyang hindi nakikita.

Tutulungan na sana niya ito't itatayo nang mabasa naman niya kung anong nakasulat sa labas ng kahon nitong katabi: NIÑA. Dito niya nahalata na hindi si Cathy ang kanyang kasama.

Muli niyang pinaikutan ang paligid ng kanyang mga mata at pinagmasdan ang lugar kung saan sila naroroon. Pamilyar sa kanya ang pwesto ngunit hindi niya maalala kung saan niya ito huling nakita. Hanggang sa muling napalipat ang tingin niya sa babaeng nakakamangha parin pagmasdan. Habang pinanonood niya ito'y lalo pa itong naging desperada sa ginagawa. Hindi nga nagtagal ay ginamit na nito ang mga kamay at lalong pinabilis ang pagbubungkal ng lupa.

Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon