"Pacita? Nasaan ang mag-asawa? Akala ko ba nagpapahinga si Cathy sa kwarto?"
Hindi magkandaugaga sa paghahanap si Madam Ramona sa dalawang apong naglaho sa kanilang silid. Hayun at nakasuot pa nga ito ng pantulog at mukhang hindi pa inaayos ang buhok. Mula kasi nang maikwento ng katiwala ang masamang nangyari kay Cathy ay lubos na itong nag-alala sa kalagayan ng unica hija.
"Ahh... eh, hindi ko din ho alam, Señora. Hindi pa ho ako nagagawi doon sa kwarto nila," sagot ng nakasalubong muling yaya.
Napasilip tuloy ang ginang sa katabing silid na kwarto naman ni Zion. Wala doon ang mag-asawa't mahimbing parin namang natutulog ang bata. Alas-sais palang naman kasi ng umaga. Dapat nga'y kahit ito'y nagpapahinga parin sa kama.
"No sé lo que está pasando!" Iri ng di makaling matanda habang pababa sa hagdanan.
"... Xander?"
"... Cathy?"
Umaalingawngaw sa malawak na espasyo ang boses ni Madam Ramona na patungo na sa lagusan ng mga pampanauhing kwarto. Sa likod nito'y nakasunod parin si Manang Pacita upang umalalay sa natatarantang amo.
"... Alexander!!!"
Bigla tuloy bumukas ang pintuan ng isa sa mga magkakatabing silid at doo'y lumabas ang kanina pa nitong hinahanap.
"A-Abuela..." nauutal na bati ng gulat na si Xander.
"Ay, dios mío!" Hiyaw ng ginang na kumakawag pa ang mga kamay sa ere. "Ano bang ginagawa mo at nagtatago ka sa guest room?!"
Hindi naman nagtagal at sumunod naring lumabas sa pinto ang babaeng pakay talaga ng interogasyon.
"Lola...?"
Napahinto tuloy silang lahat at ilang segundo ring nagpalitan ng sulyapan. Sa panlalaki ng mga mata ng magkakasama'y halatang gulat ang mga ito sa mga nakikita.
"... G-Good morning po.... Ano pong nangyayari? Ang aga niyo pong nagising ah," patuloy ni Cathy nang hindi agad nawala sa pagkatulala ang matanda.
"Ay, mi pobrecita!" Usal narin sa wakas ng lola na mabilis na lumapit at yumakap sa babae. "Never mind me, hija... dios mío, kumusta ka, ha? I heard about what happened to you."
"Look at you, mi amor..." puno ng pag-aalala nitong hipo't kilatis sa mukha ni Cathy. "Mag-ingat ka naman, apo ko. It's very dangerous out there! Oh, you're full of scars... look at your face..."
"Don't worry po, Lola. Okay na po ako," tugon naman ng napangiting kausap.
"Nonsense, you will stay indoors. I couldn't stop worrying... when I heard about the news, I—"
Napahinto sa pagsasalita si Madam Ramona nang bigla itong mapalingon muli sa nakabukas na pinto ng guestroom.
"Why were you two in there?" Kuwestiyon ng lola na pabalik-balik ang tingin sa mag-asawa.
Nanlaki tuloy ang mga mata ng dalawa at nagkanya-kanya ring sulyap at lihis ng titig sa isa't isa.
"Hm?" Kumukurap na huni ni Xander.
"You slept in that room?" Wikang muli ng matanda.
"Uh—"
"Ano po kasi..."
"Well...""The rain is so loud upstairs," patuloy ni Xander na hinahagod ang batok, "It's so cold, too... and we couldn't sleep... so... we borrowed one of the rooms."
Hindi ata bumenta ang alibi ng lalaki dahil mabilis pa sa alas-kwarto'y nabatukan agad ni Madam Ramona ang apo. Agad tuloy itong napangiwi sabay kamot sa parteng nadali.
BINABASA MO ANG
Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]
RomanceFINAL BOOK OF FATED TO LOVE YOU SERIES. Sa ikatlo at huling yugto ng storya, patuloy kayang mangingibabaw ang lakas ng kapit ng pag-ibig? O magpaparaya ang tadhana sa hagupit ng mapaglarong sumpa? Alin ang magiging mas matimbang sa huli? Continuatio...