Episode 8: The First Strike (Part 2)

640 17 1
                                    

Office of the CEO
Del Viñedo Tower I

Pagkatapos ng mahabang talakayan ay dumiretso agad si Xander sa kanyang opisina upang doo'y makahinga nang maluwag. Bahagya nalang siyang nakatagal sa usapang nagbalik ng lahat ng sisi sa kanya. Nagkasundo pa ang lahat ng mga miyembro, maging ang mga inasahan niya ang buong pagpanig—isang linggo, kailangan niyang siguraduhin na 100% ang kapasidad ng maiiwang manufacturing sector. Paano niya gagawin iyon sa napakaiksing oras? Para naring sinabi ng mga ito na wala silang kumpiyansa sa kanya. Na hinihintay lang ng lahat na magkamali siya upang tuluyan na siyang patalsikin sa pangunahing pwesto.

Hinilot niya ang sumasakit na ulo habang nakaupo siya roon sa kanyang silya. Sa muli niyang pagmulat ay agad naman niyang naisip ang estado ng mag-iina. Kumusta na kaya ang lagay ni Zion? Wala man lang mensahe sa kanyang cellphone. Maayos na ba ang lagay ng anak? Ba't hindi man lang siya sinasabihan ng asawa?

Tatawag na dapat siya kay Cathy nang bigla namang may kumatok sa nakasarang pinto.

"Xander, may I come in?"

Si Madam Evita pala iyon. Nagtatanong sa likod ng pintuan na sinimulan narin namang iawang at buksan.

"Yeah... come in," imbita nalang niyang wala nang nagawa.

Inaya niya itong umupo sa silya sa harap ng kanyang mesa at saka inalok ito ng maiinom. Pero tila direkta na sa punto ang gusto nitong mangyari at hindi na nagpaliguy-ligoy pa. Pagusapan na ang dapat pagusapan.

"Tell me..." umpisa ng ginang na mataman ang mga titig sa kanya.

"... Did you really use Alice so we could easily say 'yes' to the partnership?"

Nakakunot ang noo ng babae na hindi man lang magawang kumurap. Humilig pa ito sa mesa kaya't kitang-kita niya ang pagkadismaya sa mga mata nito. Napahugot tuloy siya nang malalim. Hindi muna siya umimik habang iniisip kung paano ba maipapaliwanag nang mabuti ang totoong nangyari. Hindi ito madali. Kahit papaano kasi'y naging mabuti naman kaalyansa ang ginang noong mga panahong wala sa eksena ang pakialamerang si Señora Amelia.

"... Did you use my daughter so you could salvage what's left of your Heritage brand?"

"Yes and no," mahinahon niyang sagot na may paggalang parin.

Lalo tuloy gumuhit ang pagtataka sa nakakunot na ekspresyon ng matanda. Hinihintay nito ang kanyang sasabihin. Sana nga lamang ay hindi pa buo sa isipan nito na siya ang pagbuntunan ng lahat ng sisi.

"I know you're upset that I've decided to let go of our partnership," patuloy niyang usal. "But whatever Amelia's injecting in your mind, it's not true. Please don't listen to her."

Bumuntong-hininga lamang ang ina ng ex at sumandal sa likod ng upuan. Panay ang iling nito sa kanya ngunit tila handa naman itong makinig.

"The truth is... I knew that Alice liked me... from the start," amin na niya sa matagal nang alam.

"... She... wasn't really good at hiding whatever she's feeling... and I don't think she intended to be discreet. I was going through the toughest time in my life and she was there for me. But... I couldn't reciprocate because I love someone else."

"... I wanted to get back on my feet and show my company that I'm ready to become CEO again. So I went to Amelia, thinking that... as family... she'd help me. And she did... she took my shares of the Aragon Enterprises at a terribly low price in exchange for funds. The rest, she said I could make up if I convince you to manufacture for us."

Tumungo muna siya saglit at kumuha ng kumpiyansa bago muling magsalita.

"So... I played along and... became close to Alice... so I could earn your family's trust," patuloy niyang lahad.

Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon