Nurses' Station.
"Bro!"
Ikinagulat ni Xander ang pagtawag sa kanyang iyon ni Jordan mula sa di kalayuan. Naroon kasi siya sa nurses' station at nakikipagusap sa nurse na naka-duty. Kasalukuyan namang nagpapahinga muna si Cathy matapos ang situwasyon kanina na ikinakaba niya nang husto. Maayos na ito. Bumaba na ang blood pressure ng misis sa normal na posisyon. Pero, Diyos ko, kinabahan talaga siya! Pakiramdam nga niya'y siya talaga ang aatakihin.
Nang magsimula nang lumapit sa kanya ang nagpakitang kamag-anak ay saka siya nito tinanong nang may pag-aalala.
"... You okay?"
"How did you know I'm here?" Nagugulumihanan naman niyang tanong.
"Sinabi ni Lola eh. She said I should go here and find you. You might need help daw," eksplika ng pinsan.
"Wait, what? Who are we talking about here?"
"Sino pa ba? Edi 'yong mortal enemy mo," klaro naman ni Jordan sa impormasyon.
"She told you to come?"
"Yeah, ang weird 'no?"
Pinaningkitan tuloy niya ng mga mata ang kausap upang hulihin kung nanloloko ito. Pero tila wala namang bakas ng biro sa binata. Mukhang totoo nga ang kanyang narinig.
Ngunit bakit naman nito naisip na patulungan siya kay Jordan? Kanina nga'y nagaaway pa silang dalawa't kulang nalang ay magsakmalan. Ito pa nga ang rason ng kung bakit naospital si Cathy. Ano na naman kaya ang balak nitong gawin sa kanila?Nawalan na tuloy siya ng kibo't hindi na nakasagot. Baka mind games lang—malay ba niya? Hindi parin katiwa-tiwala ang mga kilos ng step-lola.
"... Anyway, I was in a meeting with an art director when she texted. So, I immediately excused myself. But when I told the guy my cousin's in the hospital, he insisted to come kaya—"
Nawalang bigla ang pokus niya sa pagsasalita ni Jordan. Sumunod kasing nagpakita sa likuran ang lalaking minsan narin niyang nakita rito sa ospital noong huli siyang narito. Lumabas ito mula sa elevator at palinga-lingang naghanap. Akala niya'y iiba ito ng landas, ngunit nang masulyapan sila nito'y nabuo ang kuru-kuro niyang sila nga ang pakay nitong puntahan.
"—Anyway, he's supposed to be here but he parked his car—"
"Grayson," gulat niyang tawag sa ngalan ng lumalapit.
"Hey," wika agad nito, "... hang on... so if you're okay, then who's here?"
"You're still here," puna naman niya sa muling pagpapakita nito.
Akala kasi niya'y isang linggo lamang ang binata sa bansa. Short conference lang daw, ika nito. Ngunit heto't ikalawang linggo na mula noong unang insidente ay narito parin ito sa Manila.
"Yeah."
"Wait, so you know each other?" Nagtataka tuloy na kuwestiyon ni Jordan.
"Yeah, he's... an old friend of mine," paliwanag nalang ni Grayson habang tiklop parin ang kanyang bibig. Hindi pa kasi niya mapagtangni-tagni kung bakit nagkrus na naman ang landas nila na masyadong mabilis kung tutuusin.
"Is Cathy's here? or Zion?" Simulang muli ng art director.
Kumunot naman ang kanyang noo't hindi na nag-atubili pang isiwalat ang tanong sa isipan.
"How long are you staying in the Philippines again?"
Hindi muna kumibo ang kausap. Pati si Jordan na nagmamasid lang ay nakakaramdam na ata ng tensyon. Agad ito tumikhim at sa simpleng paggitna ay iniayos ang kanilang usapan.
BINABASA MO ANG
Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]
RomanceFINAL BOOK OF FATED TO LOVE YOU SERIES. Sa ikatlo at huling yugto ng storya, patuloy kayang mangingibabaw ang lakas ng kapit ng pag-ibig? O magpaparaya ang tadhana sa hagupit ng mapaglarong sumpa? Alin ang magiging mas matimbang sa huli? Continuatio...