Aragon Enterprises, Office of the President:
Walang sinayang na oras si Xander sa pagtungo sa opisina ng Aragon Enterprises. Hindi kasi maalis sa isipan niya ang mga sinabi ni Señora Amelia kanina. Bakit ba basta-basta nalang itong umeentra? At ano na namang balita ito tungkol sa kanya na kumakalat nang hindi niya nalalaman?
... "I will do anything... whatever it takes... whatever it is... just please... help me get a second chance... please."
... "Anything?"
... "Anything."
"Ah! Stupid!" Sisi niya sa sarili habang naaalala ang nakaraan.
Malaking dagok kasi sa kompanya nila ang nangyaring iskandalo noon sa Heritage event, apat na taon na ang nakakalipas. Muntik nang malagas ang Del Viñedo Group. Hindi rin nakabuti para sa mga investors ang pagkakabuwag ng limang dekadang partnership ng firm sa Santillan, Inc. kaya't kabi-kabila ang naging paninisi. Lahat ng daliri'y siya ang itinuturo. Lahat ng pagkakamali ay siya raw ang may kasalanan. Kung di nga lang siya isinalba ng kanyang Lola Ramona't pinababa muna sa pwesto ay malamang hindi na sila nakabawing muli.
Pero hindi ito nakabuti sa kalusugan ng Chairwoman. Lubos din kasi ang naging lungkot ng puso nito mula nang mawala si Cathy at Zion sa buhay nila. Dito na ito nagsimulang manghina. Bagamat nagpakita naman ito ng tibay sa gitna ng pighati'y alam niya sa sariling hindi naging madali ang pinagdaanan ng lola. Ang masaklap pa nito'y hinayaan lang niya na mag-isang pasanin ng ginang ang buhay at negosyo sa loob ng maraming buwan na siya nawala't tumigil doon sa Santa Catalina.
Kaya siya napilitang humingi ng tulong sa mga Aragon. Sa pagnanais niyang maisalba ang kanyang lola sa problemang idinulot niya'y nagbakasali siya sa bakuran ng kanyang ina. Nais lang naman niyang makuhang muli ang tiwala ng mga tao sa DVG. Pero ano itong nangyayari? Paulit-ulit ba siyang igagapos sa mga kamay ng sakim na si Amelia? Kinuha na nga nitong kapalit ang karapatan niya sa negosyo ng ina, ano pa bang gusto nito?
"She's ready for you, sir," wika ng sekretaryang kasalubong.
Naputol na lamang ang pagbabalik-tanaw niya nang iginiya siya ng secretary sa pintuan ng opisina ng presidente. Tumigil siyang saglit. Pinagmasdan muna niya ang malaking pintuang kahoy kung saa'y nakasulat ang dekoradong apelyidong Aragon. Naalala lang niya—lagi kasi niya itong tinititigan noong siya'y maliit pa. May panahon sa buhay niyang masasayang alaala pa ang hatid ng mga naukit sa porma nito. Pero ngayo'y puros masasamang bangungot na lamang ang nakasintas sa magarbo nitong disenyo.
Pagpasok niya sa pintua'y bumalik agad ang inis sa kanyang mukha. Naroroon—sa malaking antique na upuan at nakaupong prenteng-prente—ang senyorang ngayo'y namamahala na sa kompanya. Ang pangalawang asawa ng kanyang Lolo Lucas na nagmana ng halos lahat nitong ari-arian. Magkabuklod pa ang mga kamay nito na may malaking ngiti sa mukha pero peke namang ligaya ang naglalaro sa mga labi.
"Alexander del Viñedo y Aragon... welcome home," tuya parin ni Señora Amelia sa kanya. "Did you miss your mommy's office?"
"Cut to the chase, Amelia. What on earth were you talking about earlier?" Angil na naman niya habang naglalakad tungo sa malaking mesa.
"Which one... the one about my good deeds... or... the one where I take control of the Del Viñedo Group?"
Naihampas tuloy niya sa lamesa ang palad. Iniinis siya nito't iniinsulto pero hindi na siya magpapalamang sa ginang ngayon. Kinuha na nito minsan ang dapat ay sa kanya't sa pamilya niya, kaya't hindi na niya hahayaang galawin nito pati ang negosyo niya.
BINABASA MO ANG
Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]
عاطفيةFINAL BOOK OF FATED TO LOVE YOU SERIES. Sa ikatlo at huling yugto ng storya, patuloy kayang mangingibabaw ang lakas ng kapit ng pag-ibig? O magpaparaya ang tadhana sa hagupit ng mapaglarong sumpa? Alin ang magiging mas matimbang sa huli? Continuatio...