St. Luke's Hospital.
Pediatric Ward."Where's my little apo?"
Nagdudumaling tinahak ni Madam Ramona ang hospital bed kung saa'y nakahiga parin ang apo na may sakit. Agad naman itong sinalubong ni Cathy na nagmano rin sa matanda sa muling pagkakita rito.
"Oh, my dearest Cathy," bati sa kanya ng ginang na sinundan iyon ng magkabilang beso't yakap. "Why didn't you tell me about Zion? Hindi ako mapakali! I had to go home right away."
Bago pa man siya makapagsalita ay dumako na ang pansin nito sa munting batang pinapalibutan parin ng samut-saring aparato sa paligid. Natutulog pa naman ito kaya't hindi pa ito tumutugon sa mga haplos ng senyora. Napabuntong-hininga nalang tuloy ang naglalambing na ginang. Humalik ito nang ilang beses sa noo ng paslit at saka inayos hanggang dibdib ang nakatakip na kumot.
"Kumusta po ang biyahe niyo?" Tanong naman niya rito.
"Terrible," prustradong usal ni Madam Ramona.
"... I was so worried that I couldn't think properly. Gustung-gusto ko talaga makauwi noong malaman ko 'yong tungkol kay Zion. And Alexander wasn't going to tell the truth if I didn't catch him! I'm so frustrated with that boy! Nasaan na ba 'yang magaling mong mister, ha? He will hear from me!"
"Lola..." aniya naman sabay himas sa braso ng matanda. "Kalma lang po kayo."
Napilitan narin ngang kumalma ang donya dahil sa kanyang pakiusap. Pagkaayon nito'y inakay niya sa malapit na sofa ang bisita upang makapagusap sila nang maayos at hindi masabagal ang pamamahinga ng pasyente sa silid.
"Pumasok po sa office si Xander," lahad naman niya ng kinaroroonan ng asawa. "Eh... hindi po kasi siya nakapunta kahapon kasi siya naman 'yong nagbantay dito. Nagpapalitan po kasi kami."
"Is Dr. Davide the one handling his case?" Kuwestiyon ng matanda.
"Yes po, he's doing everything he can. I'm very hopeful na gagaling na si Zion soon."
"That's good to hear," tugon nitong tumatango bago siya muling tinabanan sa parehas na kamay.
"... I don't know why sumasabay itong terrible news when we should all be celebrating. You're pregnant again, my dear!"
Bahagya tuloy siyang ngumiti at tumango sa sinabing iyon ng lola. Kitang-kita na sa mga mata nito ang bagong ningning na dulot ng paguusap sa magandang balita. Nais din sana niyang lubusang sakyan ang ligaya ngunit nahihirapan parin siya dahil sa kalagayan ng panganay nila.
"Nine weeks na po... halata na 'yong baby bump," malumanay naman niyang sabi habang pinapakita ang usling kurba. "Tuwang-tuwa nga po si Zion eh."
"God has blessed you, my dear," kumento ni Madam Ramona na humipo pa sa baba niya. "This isn't something we get to see in our family every generation... maybe not even at all. Napakabuti talaga ng Diyos sa inyo ni Xander dahil biniyayaan kayo ng isa pang anak."
"Ba't nga po kaya gano'n, Lola?" Nakukyuryoso tuloy niyang sangguni. "Kwento naman ni Xander, only child lang din si Papa Ramil... kahit po si Lolo Adriano."
"Well, maybe you're someone special," anitong may munting ngiti.
"Ako po... special?"
BINABASA MO ANG
Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]
RomanceFINAL BOOK OF FATED TO LOVE YOU SERIES. Sa ikatlo at huling yugto ng storya, patuloy kayang mangingibabaw ang lakas ng kapit ng pag-ibig? O magpaparaya ang tadhana sa hagupit ng mapaglarong sumpa? Alin ang magiging mas matimbang sa huli? Continuatio...