8:55 pm.
Bumalik nga si Cathy sa pwesto kung saa'y pinagusapan nila ni Xander kanina na magkita. Dala-dala narin niya noon ang ipinakiusap nitong hanapin na lampara. Nakahagilap pa nga siya roon sa kusina ng extra na makalumang ilawan kaya't kinuha narin niya iyon upang makapagtig-isa sila ng bitbit. Pero ano nga ba talaga ang gagawin nila sa labas? Wala parin kasi siyang ideya.
8:55 na ng gabi—kung tutuusi'y huli na siya ng mga limang minuto sa usapan, ngunit bakit wala naman doon ang mister niya? Kunot-noo tuloy siyang naghintay habang nagiisip. Nakaligtaan kaya nito ang oras at hindi agad nakabalik?
"Mahal?" Tawag na niya rito nang naglaon. Baka naman kasi naroon lamang ito't hindi napansin ang kanyang pagdating.
"... Mahal?"
"... Xander?"
Nang walang sumagot sa kanyang tinig ay naglaro na sa dibdib niya ang kapirasong kaba. Nakakapagtaka naman kasing mga kuliglig lang ang nagpaparamdam at dumirinig sa kanyang mga tawag. Hindi na tuloy niya maiwasang mangilabot. Dagdagan pa ito ng panlalamig ng kanyang katawan na kulang pa ata ang suot-pangginaw.
Ano nga ba 'yong sinasabi niya kanina na hindi siya natatakot? Nako, binabawi na niya. Paano ba naman, nasa gitna parin siya ng pagkalaki-laking lumang hacienda sa kalaliman ng madilim na gabi. Aba, nakakatakot parin mag-isa 'no!
"... Xander! Naman eh, hindi nakakatawa..."
Hindi pa naman niya maiayos ang balabal na suot dahil parehas na may taban ang magkabila niyang kamay. Kinikiligkig tuloy siya sa pinaghalong balisa at lamig. Paano ba niya ito sisimulang hanapin?
"... Xander...?"
Bahala na. Kapag may nakita talaga siyang multo ay tutulinan niya ang takbo pabalik doon sa mansyon.
"... Bahay... kubo... kahit... munti..."
"... ang halaman doon... ay sari-sari..."
"... singkamas... at talong... sigarilyas... at mani..."
"... sitaw..."
"... bataw..."
"... patan—"
Hahakbang pa sana siya ulit nang bigla nalang siyang nakaramdam ng magaang na hipo sa baywang. Marahan lamang iyon at parang kalabit ng balahibo ngunit nagmistulan itong kuryenteng nagpalisto sa buo niyang katawan. Sa sobrang gulat niya'y napatalon agad siya sa pwesto't humiyaw sa ere nang pagkalakas-lakas.
"—AHHHH!!! Nanayyy!!!"
Pikit-mata niyang ikinawag ang isang kamay kaya't nabitawan niya ang hawak na lampara na iwinasiwas sa kinatatakutan.
Mabuti na lamang at nasambot ito ng lalaking hindi maikubli ang tawa sa nasaksihan. Nang makuha na niya ang balanseng nawala'y hinanap agad niya ang pinanggalingan ng tawa't doon na nakita ang kanina pang hinahanap. Grrr!! Ang laki-laki pa ng ngiti ng loko na talagang sininagan ng liwanag ang buo nitong mukha.
"Bulaga!"
"XANDER!! Ano ka ba naman!!" Inis tuloy niyang sermon sabay hampas nang paulit-ulit sa braso nito. "Naman eh!!!"
"Ouch, ouch... hey! Alright... I'm sorry. I couldn't help it, it's too funny–ah! I'm sorry!" Magkahalong halakhak at ngiwi ang naging usal ni Xander habang tinatanggap ang lahat ng hataw niya. Sa huli'y mabilis itong gumanti ng halik sa pisngi niyang namumula pa sa hiya't inis.
"Eh! Ayoko na! Aakyat na 'ko—!"
"Ahh, no, no wait!" Matulin namang harang ng esposo na idinipa pa ang mga braso. "Sorry na nga eh.... I'm really sorry. Hindi na mauulit, promise."
BINABASA MO ANG
Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]
RomanceFINAL BOOK OF FATED TO LOVE YOU SERIES. Sa ikatlo at huling yugto ng storya, patuloy kayang mangingibabaw ang lakas ng kapit ng pag-ibig? O magpaparaya ang tadhana sa hagupit ng mapaglarong sumpa? Alin ang magiging mas matimbang sa huli? Continuatio...