Episode 4: Caught in the Middle (Part 1)

1.1K 26 4
                                    

"Ma?"

"Mama?"

"Mama..."

Unti-unting nabuhay ang diwa ni Cathy sa pagkakakapit ng mga munting daliri ng anak sa kanyang mukha. Tinatawag pala siya nito, ngayon lang siya nagising. Noong una'y di pa nga niya lubusang maaninag ang mukha ng bata, pero sa pagkusot naman ng mga mata'y mas luminaw narin ang kanyang tingin.

"Zion..." bulong niya rito.

Kataka-taka ang pagpunta ng paslit sa kwarto. Mag-aalas siyete palang kasi ng umaga pero gising na agad ito. Kadalasan nama'y alas-otso empunto ginigising ng yaya ang bata upang maghanda sa eskuwela kaya't napaisip nalang siya sa pagbisita nito.

"... Anak... why are you up so early?"

"May I please stay here Mama...? I'm scared..." mahinang hiling ng nanginginig na si Zion.

Itatanong pa sana niya sa bata kung ano ang labis nitong kinatatakutan nang bigla namang kumulog nang pagkalakas-lakas sa labas. Sinundan pa ito ng lagitik ng kidlat sa ere na aakalain mong may hinahampas sa bagsik. Kumaripas tuloy ng akyat sa kama ang anak niya't nagsumiksik sa kanyang tagiliran. Takip-takip pa nito ang mga tainga at saka itinago ang mukha sa unan.

"Baby, it's okay..." alo naman niya rito. Pinalibutan niya ng yakap ang munting hulma ng bata at hinimas ang likuran nito. "It's okay... Mama's here."

Umuulan parin pala. Pero kumpara sa kagabi'y mas lalo ata itong lumakas. Hindi naman niya napansin sa balita kung may paparating na bagyo dahil halos di siya lumabas kahapon o nanood man lang ng TV. Ngunit sa lakas ng hanging kanyang naririnig ay di malayong may habagat na nagbabadya. Kung ganito rin pala kasama ang panahon ay baka hindi na muna niya papasukin ang kanyang anak sa iskuwela.

"Where is Papa?" Kuwestiyon naman ni Zion na may kaba parin sa mga titig.

Napaikot tuloy ang kanyang tingin sa paligid. Wala na nga sa kama ang kanyang esposo. Pati ang cellphone nito'y nawaksi narin sa pagkakapatong sa kabilang mesa. Wala rin naman siyang ibang naririnig na palatandaan sa silid maliban sa presensiya nila ng anak.

Umalis na ba si Xander? Hindi man lang ito nagpaalam bago pumasok? Ngayon lang nito ito ginawa simula nang muli silang magsama sa iisang bubong. Nitong nakaraang mga araw nama'y hindi ito umaalis nang walang pasabi at kung natutulog pa siya'y gigisingin siya nito upang magpaalam.

Napabuntong-hininga tuloy siya't tahimik na sinapo ang sumasakit na namang ulo. Kagabi pa ito namuwewerhisyo; wala na ata itong balak tumigil.

Kakapain na sana niya ang telepono sa mesa nang bigla namang masagi ng kanyang kamay ang iba pang nakapatong doon. Nalaglag tuloy sa sahig ang mga bagay—isang tangkay ng pulang rosas at sobre na tila may lamang sulat sa loob. Pagkasilip niya sa kinaroroonan ng mga ito'y inabot niya ang mga nahulog at saka binasa ang nakasipit na mensahe.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon