FINAL BOOK OF FATED TO LOVE YOU SERIES.
Sa ikatlo at huling yugto ng storya, patuloy kayang mangingibabaw ang lakas ng kapit ng pag-ibig? O magpaparaya ang tadhana sa hagupit ng mapaglarong sumpa?
Alin ang magiging mas matimbang sa huli?
Continuatio...
Sinalubong si Cathy ng maliwanag na sikat ng araw sa bintana na mag-isa nalang sa kama. Namumungay pa ang mga mata niya pero hindi niya maalis sa pansin ang wirdong sensasyon sa kanyang mga labi. Inangat niya sa mukha ang nananamlay na kamay at inalam kung ano ito. May kung ano palang nakadikit sa bibig niya na piraso ng papel. Nang basahin niya ang nakasulat dito'y napabuntong-hininga nalang siya't iling.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nangungulapol pala sa mukha niya ang samu't saring sticky notes. Iba-ibang lengte ito pero iisa lang ang nakasulat.
'Sticky note kiss :*' —Ang sabi ng mensahe. Nakadikit iyon sa noo, sa mga pisngi, sa baba, at sa tuktok ng kanyang ulo.
Pati nga sa tiyan niya'y may good morning note din ang bunso galing sa amang nagsulat. Madiskarte talaga ang asawa. Gagawa at gagawa ata ito ng paraan para makalusot sa lahat ng parusang ipapataw niya rito. Eh ano pa't nagpakontrata siya kung hindi rin ito susunod! Mapapalaban ata siya sa pagpapatupad nito.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hinigit niya ang nakakabit na sticky note sa kanyang cellphone.
Alas otso na nang umaga. Araw-araw ay tumitindi ang sakit ng ulo't katawan niya dahil sa morning sickness. Buti nalang at wala parin namang pasok si Zion kaya't hindi muna niya iniintindi ang pagsundo't hatid dito. Pero ang inaalala parin niya'y ang DVG—hindi pa kasi tapos ang aberya sa pagitan nila ni Señora Amelia at ng mga Saint-Laurents. Ano mang araw ay alam niyang puputok din ang balitang hiwalayan ng dalawang malaking kompanya at kapag nangyari iyon ay kailangan na nila itong ipaliwanag ni Xander sa mga investors. Hindi naman ito kakayanin ng mister mag-isa. May halo kasing personal ang isyu na ito.
Ipinasya na niyang bumangon. Titiisin nalang niya muna ang sakit para matapos ang naiwan niyang gawain. Naroon naman si Lara kaya't siguradong nakapagsimula na ito bagama't mahuhuli na siya ng dating.
Papasok na sana siya sa banyo ngunit pagtingin niya sa pinto'y naghihintay sa kanya ang isang bughaw na papel.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.