A/N: MATURE/EXPLICIT GRAPHIC CONTENT. DO NOT read if you are below 18 years old or if you get offended by this type of material. Mas detailed 'yong mature scene dito kesa sa mga past ones, hehehe, so alam niyo na, ha? Bawal po sa minors.
SKIP or read with caution.
~•~
Dinala ni Xander ang kotse nila ni Cathy sa liblib na lugar kung saan siya noon madalas magmuni-muni. Nasa mataas itong burol at natatanaw sa di kalayuan ang mga kailawan ng Santa Catalina. Nakakaengganyong pagmasdan dito ang bayan sa gabi. Nagmimistulan kasing mga gamu-gamong kumukutitap ang mga ilaw ng sasakyan na naglalakbay sa daan. Hindi man kasing liwanag ng trapiko sa Maynila ay tiyak namang mas maaliwalas ito sa paningin.
Pinakapaborito niya ito sa lahat ng mga tanawin. Dito kasi niya nararamdaman na posible pala ang kapayapaan at kalayaan sa anumang gulo ng buhay. Kahit panandalian lang. Kahit ilang oras lang. Kinailangan niya ang katahimikang iyon sa loob ng maraming taon. Dito, kung saan niya inilabas ang lahat ng sakit, dito rin niya nais maramdaman ang ligayang hatid ng panunumbalik ng pag-ibig.
"Wow..." namamanghang sambit ni Cathy sa nakikita. "Ang ganda naman dito... paano mo 'to nalaman?"
"Well... I spent six full months here, remember?" Sagot naman niya habang sinusulit ang tingin sa malawak na lupain. "I know every nook and cranny of this place. Maybe even more than you do."
Napangiti ata ito habang nananatili ang pagkakatitig sa kanya. Hindi man niya kasi lubusang nakikita'y nararamdaman naman niya ang pagmamasid nito sa tagiliran ng kanyang mata.
"Minahal mo na rin talaga ang hometown ko 'no?" Anitong matamis ang sambit ng masayang tinig.
Maging siya tuloy ay napangiti. Tuluyan na siyang tumagilid sa upuan at humarap nang maayos sa katabi.
"Siyempre. Lahat ng mahal mo, mahal ko rin," malumanay niyang pahayag.
Inilapit naman ni Cathy ang sarili't saka marahang hinaplos ang kanyang pisngi.
"Eh, paano 'yan? Mahal kita," patuloy nitong naglalambing.
"I know..." nangingiti naman niyang tugon. Hinimas niya ang nakadantay nitong braso nang makailang ulit, "I love myself, too."
Natawa tuloy ang misis at napailing sa kanyang mga sinabi. Pero seryoso parin niyang kinuha ang kamay nitong nakadikit doon sa kanyang mukha.
"... I love myself when I'm with you."
Mataman silang nagkatitigan habang ikinakawit niya ang nakalugay nitong buhok sa tainga.
"... When I treat you right and I make you happy. I love myself most when you smile because of me."
Ihinilig niya ang kanyang ulo sa upuan habang nakatingin parin sa napakaamong mukha ng katuwang. Dinala niya ang palad nito sa kanyang dibdib kung saan pinakamalakas ang kabog ng kanyang puso. Sumabay naman ito sa pagsandal sa upuan at binigyang haplos ang parteng kanyang pinaglapatan.
"I love you," sabi niya rito ng buong-buo. "I'll never get tired of saying this to you."
"... Kahit mapagod ka pa sa'kin. Kahit na maybe one day, you'll start to realize that you don't want me anymore... you can't love me anymore. And you choose to kill the smallest feeling in your heart because you've realized that I'm not worth it. That you deserve better—"
"Mahal..." pigil nito sa kanyang pag-usal.
Nagkatitigan lang sila sa mga matang parehas na binabasa ang laman ng isip ng isa't isa. Inabot muli ng katuwang kanyang ang pisngi't hinaplos ng dahan-dahan ang mainit niyang mukha.
BINABASA MO ANG
Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]
RomantikFINAL BOOK OF FATED TO LOVE YOU SERIES. Sa ikatlo at huling yugto ng storya, patuloy kayang mangingibabaw ang lakas ng kapit ng pag-ibig? O magpaparaya ang tadhana sa hagupit ng mapaglarong sumpa? Alin ang magiging mas matimbang sa huli? Continuatio...