Del Viñedo Rest House
11:30pmMagmula nang malaman ni Xander ang mga bagong rebelasyon sa koneksyon niya kay Señora Amelia'y hindi na siya nito pinatahimik buong gabi. Nagtatalo sa kanyang puso at isip ang sentimiyentong nararamdaman—iintindihin ba niya ito o mas lalo siyang papalag dito? Hindi naman niya kasalanan ang mga karanasan ng matanda sa nakaraan diba? Pero bakit siya ang tumatanggap ng dagok ng higanti ng kasalukuyan? Hindi naman yata makatarungan iyon.
"Bakit ang tahimik mo?" Tanong ng mahinang tinig na nanggaling sa kanyang gilid.
"... Ang lalim yata ng iniisip mo ah."
Gising pa pala si Cathy at nakikiramdam sa kanyang pagwawalang-kibo. Malimlim na ang ilaw sa kanilang kwarto ngunit hindi parin ito nagpapahinga. Ngayon lang niya napansin. Pinagmamasdan pala siya nito habang nakatagilid.
"Don't mind me, I'll sleep soon. Get some rest," tugon naman niya.
Sa halip na sumunod ay inangat pa lalo ng esposa ang sarili at tuluyan nang nakisali sa kanyang pagupo at pagsandal sa headboard.
"May problema ka ba?" Kuwestiyon nitong nag-aalala. "Gusto mong pagusapan?"
Humugot muna siya nang malalim bago kinuha ang kamay ng naguusisang katuwang. Pagkahawak dito'y marahan niyang hinaplos ang mga daliri nito.
"I found out why Amelia hates me," simula na niya sa kwento.
"Bakit?"
"Because of a broken heart."
Nangunot naman ang noo ni Cathy—bagay na nakita lang niya sa kanyang paglingon. Nagtataka siguro ito sa puno't dulo ng kanyang mga pinagsasasabi.
"I saw her sa cemetery the other day," dagdag na niya. "She visited my lolo, you know... left flowers there. It got me confused because she's the last person I expected to see, so I asked Paolo to investigate."
Muli muna siyang bumuntong-hininga saka panandaliang nagsagawa ng pagmuni-muni.
"... My Lolo and Amelia... they used to be sweethearts."
"Ha?" Bulalas tuloy ng nakukyuryosong si Cathy. "Pa'no nangyari 'yon?"
"It was long before he met Lola Mona. And long before she met Lolo Lucas. Sabi ni Paolo bata palang sila no'n... maybe younger than us when we got married. I guess things happened for the worse and... it just didn't work out."
"Alam ba ni Lola?"
"I'm not sure..." usal niya. "It's not the type of connection you would guess right away. Ako nga, hindi ko alam eh... and I'm part of the family."
Tumango nalang ang misis at noo'y huminga rin nang malalim. Ihinilig pa nito ang ulo sa kanyang balikat at nanahimik saglit.
"Ang lungkot ng mga taong hindi nakaka-move on from their past heartaches 'no?" Anito nang naglaon.
"... Meron talagang hindi nakaka-recover sa pain. Love is beautiful pero it's so complicated."
"Still... she's so mean, I feel like she deserves it," sabi parin niya kahit may pagdadalawang-isip.
"... But..."
Bakit nga ba may kaunting lungkot sa kanyang puso? Hindi dahil sa naaawa siya o naiintindihan niya ang sitwasyon pero sa kaibuturan ng kanyang damdami'y may nagtatago roong kirot. Iyong tila ba may naguudyok sa isip niya na siya ang dahilan ng lahat ng nangyayari.
Pagbalik niya sa diwa'y nasulyapan niya si Cathy na nakatitig palang muli sa kanya. Nawiwirduhan na siguro ito sa mga panaka-naka niyang pagwawalang kibo.
BINABASA MO ANG
Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]
Storie d'amoreFINAL BOOK OF FATED TO LOVE YOU SERIES. Sa ikatlo at huling yugto ng storya, patuloy kayang mangingibabaw ang lakas ng kapit ng pag-ibig? O magpaparaya ang tadhana sa hagupit ng mapaglarong sumpa? Alin ang magiging mas matimbang sa huli? Continuatio...