* * *
Dr. Davide's Office at St. Luke's.
Late afternoon."Doc?"
"Come in, Xander, have a seat."
Sumunod naman agad si Xander sa paanyaya ni Dr. Davide at agad ngang pumasok sa opisina. Nang makaupo na siya sa katapat na silya'y saka naman siya hinarap ng doktor na matindi ang pagsasalubong ng kilay.
"Do you have... any news for me?" Tanong kaagad niya ritong may kaba sa dibdib.
Napalalim ata ang pagbuntong-hininga ng doktor. Imbis pang siya'y diretsuhin sa pagsagot ay binasa muna nito ang talaang medikal na naglalaman ng mga ulat tungkol sa mga pasyente.
"Xander... I don't have an easy way to say this but..." simula na sa wakas ng manggagamot, "... it's been more than 72 hours and wala parin tayong nakikitang development."
"... I'm very concerned. It's just a really, really bizarre case. Even our best doctors couldn't explain what's going on, we're all so puzzled!"
Lalo tuloy siyang kinabahan. Sa itinatakbo kasi ng usapan ay tila wala ata siyang maririnig na magandang balita rito. Pero alam naman niya ang totoong dahilan diba? Hindi ito sakit. Bakit pa ba siya umaasa na may mababago?
"Xander..." pukaw sa kanyang atensyon ng doktor. Malungkot ang naging usal nito't bakas sa buong mukha ang pagiintindi.
"... I don't want to bring this up, but... at this point... kung wala tayong makikitang improvement, you might have to think about... when to pull the plug."
"Pull the plug?" Gulantang niyang gaya sabay ng panlalaki ng kanyang mga mata.
"How long can you wait and keep them on life support, hijo? The chances of regaining normal brain function after a prolonged state of coma are very slim to none," rasyonal namang paliwanag ng ginoo.
"... If they don't wake up—"
"NO! Doc, we're not pulling the plug, okay?" Matulin naman niyang pag-ayaw sa iminumungkahi. "That's out of the question!"
"... It doesn't matter how long it takes, we have to wait.... I'm not taking them off life support. I'm not gonna lose my family."
"Is this your final decision?" Seryoso namang kwestiyon ni Dr. Davide.
"Yes."
"Alright, then," patangu-tango nitong sabi. "Let's continue to pray for their recovery. That's... all we can really do for now."
BINABASA MO ANG
Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]
RomanceFINAL BOOK OF FATED TO LOVE YOU SERIES. Sa ikatlo at huling yugto ng storya, patuloy kayang mangingibabaw ang lakas ng kapit ng pag-ibig? O magpaparaya ang tadhana sa hagupit ng mapaglarong sumpa? Alin ang magiging mas matimbang sa huli? Continuatio...