Jardín de la mansión de la familia Del Viñedo
7:15 am."Love?"
Kinakausap parin ni Xander si Cathy sa kabilang linya kahit tahimik ito't walang sinasabi. Bigla-bigla nalang kasi itong tumatawag. Ang alam niya'y mabilis lang ito dapat sa pagpapahangin pero hanggang ngayon ay hindi pa ito bumabalik. Nasaan na nga ba ito at bakit hindi ito nagsasalita?
"... Are you still there? What's happening?"
Kinse minutos na lampas ng alas siyete ngunit hindi parin umuuwi ang asawa mula sa hardin. Ang pangako pa naman nito'y sampung minuto lamang ang ilalagi sa labas at matapos noon ay babalik na sa bahay. Ipinahanda na nga niya ang almusal dahil ang alam niya'y malapit nang magising si Zion para sa eskuwela kaya't maguumagahan sana silang magkakasama.
"... Love?"
Pinutol na muna niya ang usapan dahil wala namang nagsasalita sa kabilang linya. Matapos noo'y muli niya itong kinontak ngunit napupunta lang sa voicemail ang kanyang mga tawag.
"Where is she?" Nagtataka tuloy niyang sambit.
Di nga nagtagal ay ipinasya na niyang lumabas at sundan ang misis sa pinuntahang hardin. Ipinagtanong niya kaagad sa mga nakikitang katiwala kung napansin ba nila ang naglalakad na señorita. Sa kasamaang palad ay walang nakapuna sa mga ito rito maliban sa isa na nagturo sa liblib na daang mabato.
"... Hay... Cathy... I already told you not to go too far..."
Sinubukan niyang sundan ang mabatong eskinita na kahit siya'y hindi pa nararating sa buong buhay niya. Sa laki ba naman kasi ng kanilang lupain ay hindi naman niya ito malilibot nang basta-basta. Sana nama'y naroroon nga si Cathy. Bakit ba hindi ito sumasagot sa mga tawag?
Sa sentro ng nilalakarang daan ay napukaw ng isang bagay ang kanyang pansin—ang matayog na puno ng akasya sa dulo. Hindi naman niya ito pinagtutuuan ng tingin dati ngunit sa sandaling ito'y nakukyuryoso rin siya. May ganito pala silang tanim? Matanda na ito't malamang ay marami nang pinagdaanang kasaysayan. Habang papalapit nga lamang siya'y bumubulas sa kanyang dibdib ang kakaibang kaba na para bang may nagbabadya na hindi magandang pangyayari. Kinikilabutan tuloy siya.
Nang makarating na siya sa kinaroroonan ng sinaunang puno ay higit pa nga sa malagong mga dahon at malalaking sanga ang kanyang nadatnan. Naroon nga, sa paanan ng matandang halaman, si Cathy na nakahandusay sa lupa at pawang walang malay.
"CATHY!!!" Hiyaw niyang lumakas ang bagabag sa puso.
Sinugod agad niya ang babae sa ilalim ng mga sanga at iniikot ang bisig niya sa lupaypay nitong ulunan.
"Love... wake up..." kabado niyang tapik sa mukha ng esposa. "Love? Love! Shit..."
Nang hindi parin rumespunde si Cathy ay kinarga na niya ito at tinahak muli ang daan pabalik sa mansyon. Nagulat tuloy ang mga tauhan nang makita siya na tumatakbo't buhat-buhat ang asawa.
"Señorito, ano hong nangyari kay Señorita Cathy?!" Bulalas ni Mang Justino nang makasalubong siya.
"Call an ambulance!! Quickly!!"
Agad namang sumunod ang tsuper na dum-ial agad sa 911.
Ngunit bago pa siya makapanibagong-hakbang ay mabilis din siyang sinadya ni Yaya Nita na hinahapo rin sa katatakbo.
"Señorito... s-si Zion po..." hingal nitong subok na magpaliwanag.
"What happened to Zion?" Matulin niyang tanong.
Nawalan na ng kibo ang lahat dahil umalingawngaw bigla sa paligid ang tunog ng sirena na papalapit. Maya-maya pa'y naaninag na nila ang pula't asul na ilaw ng rumaragasang ambulansya na pinapasok ng gwardya sa gate. Nagmamadali tuloy siyang lumakad habang karga-karga parin si Cathy pero laking gulat na lang niya nang lumabas sa pintuan ng bahay ang lupaypay ring katawan ng panganay na anak. Karga-karga ito ng isa pa nilang katulong at agad na isinakay sa stretcher ng mga paramediko.
BINABASA MO ANG
Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]
RomanceFINAL BOOK OF FATED TO LOVE YOU SERIES. Sa ikatlo at huling yugto ng storya, patuloy kayang mangingibabaw ang lakas ng kapit ng pag-ibig? O magpaparaya ang tadhana sa hagupit ng mapaglarong sumpa? Alin ang magiging mas matimbang sa huli? Continuatio...