After 3 Days.
VIDEO CHAT
(Sa kalagitnaan ng office hours)
Candy, Carmella & Cathy 💻CANDY: HOY!! BRUHA KA!! KAILAN MO BALAK SABIHIN SA'MIN NA BUNTIS KA HA?!
CATHY: Aray naman, ate... sakit sa tenga...
CARMELLA: At talagang makakarinig ka. Aba, inilihim mo pa sa'min eh alam mo namang madaldal si Nanay. Edi naidakdak na sa buong baranggay! Saka pa namin nalaman no'ng umuwi si Ate Candy. Pa'no ayaw mo pa raw ipasabi. Kami pa ngayon ang huling nakaalam!
CANDY: HUSTIYA! Kapatid ka ba talaga namin, ha? Naku, Carmi, kausapin mo 'yan.
CARMELLA: Gagi ka, magpaliwanag ka. Bilis!
CANDY: Mapapaanak talaga 'ko d'yan. Aray ko... kabuwanan ko pa naman ngayon... aguy.
CATHY: Pwede ba... kumalma muna nga kayong dalawa.
CANDY: Che! Anong kalma-kalma... walang kakalma!
CATHY: Sorry na nga eh... sorry na talaga.... eh... si Xander nga aksidente din nalaman.
CARMELLA: Paanong aksidente?
CATHY: Eh... nawala ko kasi 'yong ultrasound ni baby. Tapos napulot niya pala. 'Yun, saka ko lang nasabi sa kanya.
CARMELLA: Wow. Hanep ka din talaga eh 'no, sis? Tradition niyo na ba 'yang accidental reveal?
CANDY: JUSKODAY!
CATHY: Sasabihin ko naman talaga kaso lang... basta mahabang kwento!
CANDY: (Napahawak na nga sa tiyan) Ahhhh....
CATHY: Ate?
CARMELLA: Hoy, ayos ka lang, sis?
CANDY: Ahhhh.... (Ngumiwi na't naghabol ng hininga) Manganganak na yata ako...
CARMELLA: Hala...
CATHY: Oh my god, nasa'n si Kuya?!
CANDY: ANDOY, PUMARINE KA!!!BILISAN MO!!! MANGANGANAK NA 'KO!!!
(Pumasok sa background si Andrew kasama ang panganay at makikitang inaalalayan si Candy)
CATHY: Oh em gee! (Pumalakpak pa)
CARMELLA: Hoy, Cathy! Aba, talaga naman. Tawagan mo si inay! Ibi-virtual kurot kita sa singit eh. Kaloka.
CATHY: Eto na nga oh.
* * *
* * *
BINABASA MO ANG
Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]
عاطفيةFINAL BOOK OF FATED TO LOVE YOU SERIES. Sa ikatlo at huling yugto ng storya, patuloy kayang mangingibabaw ang lakas ng kapit ng pag-ibig? O magpaparaya ang tadhana sa hagupit ng mapaglarong sumpa? Alin ang magiging mas matimbang sa huli? Continuatio...