St. Luke's Hospital.
Visitor's Area."What am I gonna do, Abuela? What if the curse turns out to be true?"
Balisang nakatuon ang mga titig ni Xander sa bukas-sarang pintuan kung saa'y nagsisilabas-masok ang mga mediko. Nakaupo nga siya sa tabi ngunit kanina pa nalulunod sa nerbiyos ang puso niya't isip. Halos mag-iisang oras palang sila naroroon sa ospital pero pakiramdam niya'y habambuhay na siyang naghihintay. Wala parin kasing ibang balita si Dr. Davide maliban sa paunang sinabi nito kanina na normal naman ang dugo ng mga pasyente. Ito ang naging dahilan kung bakit naospital noon si Zion, ngunit sa pagkakataong ito'y hindi ito ang problema. Lalo tuloy gumulo ang kanyang isip. Sa halip na masawata ang lahat ng mga katanungang nanghihimasok doon ay lalo lang tumibay ang kutob niyang hindi ordinaryong sakit ang dumapo sa kanyang mag-iina.
Paulit-ulit tuloy niyang itinuktok ang kamao sa noo sa inis at sa pag-asang lumabas sa mapulang balat ang solusyong hinahanap.
"Hijo... apo. Tama na 'yan, calm yourself," saway naman ni Madam Ramona na agad pumigil sa kanyang braso.
Napahinto tuloy siya't agad na nagpakawala ng malalim na hininga.
"... 'Wag muna natin pangunahan ang mga doktor. Hindi pa naman tapos ang mga isinasagawa nilang tests, hindi ba? Ang mas mahalaga ngayon ay stable na ang lagay ng mag-iina... we have to be thankful, mi amor."
"Pero hanggang kailan, Lola?" Aburido parin niyang sagot. "What if... tomorrow... w-what if... it's too late..."
Umiling naman agad ang katabi at humimas nang marahan sa kanyang braso.
"Don't you ever think that way again, you understand?" Paalala sa kanya ng lola. "Kailangan mong maging matatag sa panahong ito. Kailangan ka ng pamilya mo."
"But I can't even protect my family from danger. Nando'n parin sila sa loob and I'm right here!" Ani na niyang puno ng prustrasyon.
"Yes... I know, hijo... but it's too early to tell kung ano talaga ang problema. Hindi naman din ibig sabihin noon ay dahil 'yon sa sumpa—"
"Really? You believe in it though, right?" Bigla niyang kuwestiyon sa paniniwala ni Madam Ramona.
Natahimik tuloy ito sa pagsasalita.
"You told me not to go back to that old hacienda in Calle San Jose. You believed in THAT curse," patuloy pa niya.
"... Right?"
Bumuntong-hininga muna ang matanda bago ito muling tumitig sa kanya't nagumpisa sa kwento.
"I do. But only because I saw the effect with my own eyes. We almost lost your father in there when he was Zion's age... literally. Akala namin hindi na namin siya makikita. Para bang nililito talaga kami ng bahay na 'yon at ayaw ibalik si Ramil sa amin. That's when I heard from your lolo that it was one of the first ancestral houses of the Del Viñedos. Pero isinumpa daw ito kaya walang kahit sino sa atin ang nakakabalik doon."
"Then if you believe in it... you know it's possible this one could be true as well, right? 'Cause if it's not... then what's going on?"
Lalo niyang ibinaling ang sarili sa kausap at inisa-isa ang mga dahilan, "They couldn't find anything. They give me the same advice over and over again, 'let Cathy rest, give her more sleep'. And what about Zion? He was healthy up until today."
"... Lola... you can't tell me this isn't bizarre at all. That this isn't supernatural—!"
Siya narin mismo ang nagpahinto sa sarili dahil sa rebelasyong biglang pumukaw sa kanyang isip.
BINABASA MO ANG
Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]
RomanceFINAL BOOK OF FATED TO LOVE YOU SERIES. Sa ikatlo at huling yugto ng storya, patuloy kayang mangingibabaw ang lakas ng kapit ng pag-ibig? O magpaparaya ang tadhana sa hagupit ng mapaglarong sumpa? Alin ang magiging mas matimbang sa huli? Continuatio...