Ikaapat na Kabanata Unang Bahagi

430 19 0
                                    

Yan si Dylan the Tamed Vampire.
---------
Bakit kailangan parati akong mag explain sa kanila? (=_=). Besides bakit ako lang ata ang nagpapaliwanag sa kanila?

"Start your explanation"-Director
Naparoll eyes ako sa sinabi niya. Parang boss lang eh.

"Your presence endangers the Academy"  Naningkit ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Anong gustong palabasin ng bampirang to? Ang kapal din pala ng apog nito eh. (+_+) Ang sarap tarakan ng espada sa dibdib niya.

"So ako na pala ngayon? Hiyang-hiya naman ako sa tulad mong bampira. Para sabihin ko sayo mas delikado ang Academy hangga't nandito ka, si Rogue, at si Cheska" Nanlaki ang singkit niyang mata. Lokong to kala mo ang lins-linis eh may baho din namang tinatago. (+_+) Napangisi na lang ako ng makitang nanlaki ang malilit niyang mga mata at pa simpleng tiningan ang katabing dalaga. Loko to.

"A-ako?" Tanong ni Cheska habang nakaturo sa sarili at palingon-lingon saakin, kay Christian at sa Director ng Academy.

"Bakit hindi niya sinabi s-"-ako
"SHUT UP!!!!" Lalong lumaki ang ngisi ko ng makita kong nagbabantang maging pula ang mga mata niya at masamang nakatingin saakin. Ako pa hinamon mo, alam ko lahat ng baho niyo.

"Tss. Ang lakas mong mambintang may sekreto ka rin pala. (=_=)" Pinanlisikan niya ako ng mata na nginisihan ko lang.

"ENOUGH!!!! Ms. Reyes explain"-Director. I just shrug and lean at my chair.

-FLASHBACK-
Isang batang babae ang masayang tumatakbo bitbit ang medalyang ginto na napalanunan niya sa isang quiz contest ng kanilang eskwelahan.
Magdidilim na ngunit hindi niya ito alintana. Malayo ang bahay nila sa karamihan dahil nais ng kanyang mga magulang ang tahimik na lugar. Dali-dali siyang pumasok sa kanilang gate dahilan para hindi niya mapansin ang gate na may sira tanda na ito'y pinuwersa.

"Mama!!!Papa!!!Nandito na po ako!!!" Sumigaw ang munting bata ngunit katahimikan ang bumati sa kanya. Naguguluhang lumibot ang bata sa unang palapag ng kanilang tirahan. Napagpasiyahan niyang sa kwarto ng mga magulang ito hanapin. Nakaawang ang pinto dahilan para makita niya ang loob. Nanlaki ang maliit niyang mga mata ng makita ang ina na kagat sa leeg ng isang lalake, sa sahig ay ang kanyang ama na dilat na dilat ang mga mata na parang sa kanya nakatingin.

"Ma.....ma" sa pagtawag sa inang ngayon ay patay na sa kanya na baling ang atensyon ng lalake gamit ang galit at namumulang mga mata nito.

"Ah ang munting prinsesa. Dapat sayo ay mamatay!!!!" Dali daling tumakbo ang munting bata gamit ang kanyang maliliit na paa habang ang mamatay ay may malaking ngisi sa kanyang labi na naglalakad. Napunta ang bata sa palaruan ng kanilang bayan kung saan wala ng tao.

"TULONG!!!!" Umalingawngaw ang kanyang tinig sa buong parke at tila bingi ang lahat sa sigaw ng batang babae.

"Walang makakarinig sayo munting prinsesa" sa sobrang takot ay napaupo na lang ang bata at tanging pag-iyak na lang ang nagagawa.

"Sa wakas ay maipaghihiganti ko na ang kapatid ko sa pagpatay ng Hari" akmang susugurin na ng lalake ang bata ng may marinig siyang nagsalita sa kanyang likuran.

"Pati batang walang laban ay pinapatay niyo." Di na niya nagawang lingunin ang nagsalita dahil may tumarak na mula sa kanyang likod. Espada na kumikinang sa bilog na buwan.

"Wala na siya. Iuuwu na kita sa inyo" Imbes na magsalita ay umiling lang ang bata sa sinabi ng babaeng nagligtas sa kanya mula sa kamatayan.

"Ma...ma pa..patay n-na si...la" Buntong hininga ang tanging nagawa ng babaeng nagligtas sa bata.

"Anong pangalan mo?"
"Rhea Alliya Villamor p-po"
"Simula ngayon isa ka ng Reyes"

-8 years Later-
"Walang kwenta. Isa ka lang tamed na bampira" Isang binatilyong lalake ang nakatayo sa isa pang binatilyong lalake ngunit ang lalakeng to ay natatalian ng kadenang yari sa pilak.

"Mayabang. Para sa isang tamed na bampira ay may lakas siya ng isang mid-class at kinakaya-kaya mo siya dahil may hawak kang baril at may kadenang pumipigil sa kanya" malumanay na sabi ng isang dalagita na nasa edad na labing-apat na taon. Nakaupo sa isang puno, may awa sa  kanyang mga mata para sa nahihirapang bampira.

"Wag kang makialam!!!! Sampid ka lang dito!!" Galit na galit ang mga mata nitong ibinaling ang tingin sa dalagita.

"Sampid? Ngunit bakit sa ating dalawa ay ako ang mas pinapaburan ng mga magulang at angkan mo?" Natahimik ang binatilyo ngunit masama pa ring nakatingin sa dalagita. Tumayo ang dalagita at inalalayang makatayo ang kawawang bampira. Dadalhin niya ito sa kwarto niya para pakainin.

"Pa-pa..g-ga..litan k-ka"
"Hindi nila ako papagalitan. Ito uminom ka ng dugo" Inalis ng dalagita ang kadenang nakapulupot sa binatilyo maliban sa posas na nasa kamay at paa nito. Ibinigay ng dalagita ang supot ng dugo na agad naman kinuha ang binatilyo.
Naupo ito sa silyang kaharap ng binatilyo at kinuha ang librong nasa ibabaw ng lamesa at binuksan sa pahinang binabasa.

"Bakit mo ito ginagawa?" Napaangat ng tingin ang dalagita ng magsalita ang binatilyo. Puno ng pagtatanong ang kulay kahel niyang mga mata.

"Ginagawa? Ang alin?"
"Ito, ang pagtulong mo sakin. Isa ka sa kanila" umiling ang dalagita sa sinabi ng binatilyo. Hindi siya nito kilala.
---------
Grabe nakakatuwa at may nagbabasa ng gawa ko!!! Thank you sa pagbabasa. I appreciate it!! (^__^).
Patuloy niyo sanang basahin at kung nagustuhan niyo please vote and leave your comment.

True Identity (Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon